GAWAIN 4: KKK GeoCard CompletionGumawa ng sariling KKK GeoCard batay sa kasunod na format. Kumpletuhin ang KKK (Kataga-Kahulugan-Kabuluhan) GeoCard na may kaugnayan sa katangiang pisikal ng daigdig. Isulat sa unang bahagi ng KKK GeoCard ang kataga na nasa loob kahon. Sa ikalawang bahagi, isulat ang kahulugan ng nakatalang salita. Sa ikatlong bahagi, itala ang kabuluhan ng naturang kataga sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa papel. ​

question img

Answers 1

Answer:

Kataga

Planetang Daigdig

Kahulugan

Ito ang katatangi-tanging planeta kung saan pwede tayong mabuhay. Dito rin naninirahan ang mga buhay na organismo tulad ng halaman at hayop.

Kabuluhan

Dito tayo nakatira, kaya ito ay importante sa ating nabubuhay.

Kataga

Mantle

Kahulugan

Isang patong ng mga batong napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi ng bato.

Kabuluhan

Ito ay nagsisilbing kadiin-diinan ng mundo o daigdig na nagsisilbing laman ng daigdig.

Kataga

Plate

Kahulugan

Malalaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon. Sa halip ang mga ito ay gumagalaw na tila balsang inaanod sa mantle.

Kabuluhan

Ayon sa teoryang Tectonic Plate,nagkaroon ng matitinding lindol at malalakas na pasabog ng mga bulkan sa ilalim ng Dagat Tsina, 225 milyong taon na ang nakalilipas.Ang putik ng ibinuga ng mga bulkang ito ay unti-unting tumigas at naging mga pulo at lupain sa ibabaw ng dagat. Nagkaroon din ng maraming malalakas na lindol na nagtulak at naghiwalay sa mga tumpok-tumpok na putik na galing sa mga bulkan. Ito ang naging Pilipinas.

Kataga

Paligid sa Araw

Kahulugan

Ito ang pag-ikot ng planetang earth sa kanyang axis habang umiikot sa araw. Ito ang dahilan kung bakit mayroong umaga at gabi.

Kabuluhan

Ito ang dahilan kung bakit mayroon tayong umaga at gabi. Sa dalawang ito, marami tayong nagagawang iba’t ibang trabaho,karamihan ay pwede lamang sa araw at ang iba’y pwede sa gabi.

Kataga

Longhitud at latitud

Kahulugan

Longhitud-isang patayong guhit na nag-uugnay sa pulong hilaga at pulong timog, kahanay ito ng punong meridyano at ginagamit sa pagsukat ng layo ng isang lugar pasilangan o pakanluran mula sa punong meridyano.Latitud - ito ang mga guhit na paikot sa globo na kahanay ng ekwador. Pansukat ng layo ng isang lugar pahilaga at patimog mula sa ekwador.

Kabuluhan

Ang longhitud at latitud, ay kinakailangan sa globo o mapa. Upang mas magiging madali para sa iyo ang paghahanap ng isang lugar.

Explanation:

hope it helps po

#CarryOnLearning<3

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years