Ano ang kahulugan ng lagom?
Ang lagom ay tumutukoy sa pagpapaiksi ng orihinal na bersyon ng isang kwento. Ito ay maihahalintulad sa buod ngunit ito ay kaiba dito dahil sa lagom ay malikhaing isinasalarawan ang mga pangyayari kung saan binibigyang diin ang mga importanteng kaganapan sa kwento. Ito ay naglalaman ng pinakamensahe o pinaka-ideya na nais ipahatid ng isang paksa o akda. Hindi ito naglalaman ng kahit na anong opinyon o saloobin.
Ang lagom ay tinatawag din na sinopsis o summary. Ang haba ng isang lagom ay kadalasang hindi lumalagpas sa dalawang pahina. Ginagamit ito na panloob o panlabas na pabalat ng isang nobela at maging sa mga pananaliksik.
Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa lagom, basahin sa link:
https://brainly.ph/question/5726503
https://brainly.ph/question/1411263
https://brainly.ph/question/1392306
#LearnWithBrainly