Answer:
Paggawa
Ang paggawa ay isang resulta ng pagkilos ng tao o isang aktibidad ng tao na may layuning tumugon sa mga pangangailangan ng kapwa. Maaari itong mano-mano o nasa larangan ng ideya. Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa.
- Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (Institute for Development Education, 1991).
- Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain; at ang produkto nito, ay magbubunga ng pagbabago sa anomang bagay.
Kahalagahan ng Paggawa sa isang Lipunan
- Nakatutulong ito sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa dahilan ng pag-unlad nito.
- Nakatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao.
- Natutugunan ng isang tao ang mga pangunahing pangangailangan dulot ng paggawa.
- Nakakakilala ng mga kaibigan na kasama sa paggawa.
- Nakakapagpaunlad ito ng kakayahan at mga abilidad ng isang tao na naiaambag niya sa kaunlaran ng lipunan.
- Maaring maging dahilan ito upang magbigay tulong sa kapwa.
Mga Layunin ng Tao sa Paggawa
- Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya.
- Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
- May kakayahin rin ang tao na gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga nangangailangan.
- Kumita ng salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang mga pangunahing mga pangangailangan lalo na sa pang araw-araw na pamumuhay.
- Kailangan ng taong gumawa para mabuhay.
- Sa pamamagitan ng paggawa, napagyayaman ang dangal ng isang tao.
- Mahalagang taglayin ng lahat ng tao ang malalim na pagnanais na maibahagi ang kaniyang kakayahan para sa ikauunlad ng lipunan.
- Ang paggawa ay ating pagkakakilanlan para makasunod sa agos ng modernisasyon.
- Kailangan ng taong gumawa upang tumugon sa ninanais ng Diyos at paunlarin ang sangkatauhan.
- Upang higit na magkaroon ng kabuluhan (purpose) sa pag-iral ng tao. Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito.
Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ang mga sumusunod:
- kaniyang mga pangangailangan;
- ang kaniyang pagkamalikhain;
- ang tiwala sa kaniyang sarili;
- dangal ng kaniyang pagkatao;
- mapaglingkuran ang kapwa;
- buhayin ang tunay na kahulugan ng pagbibigay;
- kaniyang bokasyon at bigyang katuparan ito;
- kaganapan sarili at ng kapwa;
Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na nasa ibaba:
Kahalagahan ng Paggawa sa Tao: brainly.ph/question/451391
Kahulugan ng Paggawa: brainly.ph/question/895442
#LetsStudy