6. Totoong malawak at maraming nagawa ang Pamahalaang Komonwelt, subalit nag-iwan din ito ng malalim na tatak sa ating kaisipan na kung tawagin ay colonial mentality. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagkahilig sa mga dayuhang produkto? A. Pagtangkilik o pagbili sa mga stateside na kagamitan B. Paggamit sa mga material na gamit ng mga sinaunang Pilipino C. Pagtangkilik sa mga online shopping D. Lahat ng nabanggitPls Answer it correctly​

Answers 1

KAISIPANG KOLONYAL NG MGA PILIPINO

ay naipapakita ng mga Pilipino sa pagkahilig sa mga dayuhang produkto sa paraan ng :

A. Pagtangkilik o pagbili sa mga stateside na kagamitan

  • Ang Pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas:

Nang maitaboy ang mga dayuhang Espanyol sa bansa, nagsimulang pamunuan ng mga Amerikano ang mga Pilipino na may layuning tulungan sa pagbangon mula sa pagkakasakop.

Narito ang ilan sa mga naging ambag ng mga Amerikano sa bansa:

-Pagpapadala ng mga gurong 'Thomasites' na dumating noong ika-23 ng Agosto 1901 sakay ng barkong S.S.Thomas. Ang layunin ng nasa 600 na mga gurong ito ay magsilbing guro para sa mga Pilipino at mahubog ang kanilang kaalaman at mapalawak ang kaisipan.

-Arketektura, naipamalas ng mga Amerikano ang kanilang sariling disenyo at konsepto sa larangan ng disenyong 'Neoclassical' na kanilang ginagamit s amga itinatayong gusali sa bansa. Yari ito sa mga bakal at semento na matibay na pundasyon kaya napatunayang ito ay matibay at matatag. Naipakilala din nila ang paglalagay ng espasyo sa loob ng bahay na maaring paglagakan ng mga kagamitan hindi madalas gamitin na kung tawagin ayu 'attic'.

  • Ang Komonwelt ng Pilipinas:

Ito ay ang pamahalaang naitatag sa bansa sa taong 1936 hanggang 1947 kung kailan naging komonwelt ng Estados Unidos ang bansa.

Ang pamamahalaang ito ay nabuo sa pagbuo ng kasunduan Batas na tinatawag na 'Batas Tydings-Mcduffie'. Nasasaad dito na, ito ang magiging tulay na hakbang ng bansang Pilipinas sa tuluyan at ganap na kalayaan.

Si Manuel L. Quezon ang tinaguring huling namuno sa Pamahalaang Komonwelt ng ito ay lubusang buwagin noong taong 1946 kung saan ang naging isang ganap na Republika ang Pilipinas.

  • Ang Kaisipang Kolonyal

Dala na rin marahil ng ilang daang taong pananakop ng mga Amerikano sa bansa, ay naipamalas nila ang kanilang sariling kaugalian at kagawian sa pananamit, pagpili ng kasangkapan, pananalita atbp.

Ang kaisipang ito ay tumutukoy sa bansang nanakop ay may mataas na antas sa lahat ng bagay, kung kaya't ang bansang sinakop ay dapat umayon sa kung anung estado ng kultura at pamumuhay ang mayroon sila.

Nababatid ito sa mga panahong nagtagal at nasakop ng bansang Amerika ang Pilipinas at nakapagpalaganap ng mga kaisipan na ang mga kagamitang nanggaling sa kanilang bansa ay higit na matibay at dekalidad ang estado. Kung kaya't nahikayat ang mga Pilipino na tumangkilik ng madameng produktong nanggagaling sa ibang bansa ngunit kakaunti lamang ang nakakakita ng kalidad ng mga lokal na produkto.

Idagdag pa dito, na mas ginugusto ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng mapuputing balat o kutis na kagaya ng sa mga Amerikano, kung kaya't madaling maibenta ang mga produktong nagbibigay pangako ng pagpapaputi ng balat.

Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa ng

karagdagang detalye,narito ang iba pang mga

links na maari mong i click:

*KAISIPANG KOLONYAL  https://brainly.ph/question/170804

*PAMAHALAANG KOMONWELT  https://brainly.ph/question/941326

#BRAINLYEVERYDAY

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years