Explanation:
AALAMAN- (FOR YOUR INFORMATION) Kahulugan ng Kuwentong Bayan Ang mga kuwentong bayan ay bahagi na ng panitikan ng mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila. Ito'y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba't ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluyan ang mga kuwentong bayan at karaniwang naglalahad ng kaugalian at tradisyon ng lugar kung saan ito nagsimula at lumaganap. Maraming kuwentong bayan ang pumapaksa sa mga hindi pangkaraniwang pangyayari tulad ng nangingitlog ng ginto, o kaya'y mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan tulad ng mga diyos at diyosa, mga anito, diwata, engkantada, sirena, siyokoy atbp. Masasalamin sa kuwentong bayan ang mga kaugalian, pananampalataya at mga suliraning panlipunan sa panahon kung kailan ito nasulat. May mga kuwentong bayang ang pangunahing layunin ay makapanlibang ng mga mambabasa o tagapakining subalit ang karamihan sa mga ito ay kapupulutan ng mahahalagang aral sa buhay. May mga tampok o kilalang kuwentong bayan ang bawat rehiyon sa Pilipinas. Nagkaroon na nga lang ng iba't ibang bersiyon ang mga ito dahil sa lumaganap