Ang karong pandigma[1] o karro ay isang uri ng karuwahe. Isa itong sasakyang pandigma na nahihila ng mga kabayo, na may dalawang gulong at bahaging nasasakyan ng isang mandirigma.[2] Maaari rin itong hilain ng mga asno.[3] Ginagamit din ito sa pangangarera noong mga sinaunang panahon, pati na rin sa mga pagpuprusisyon.