Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunag-yaman.
Kahalagahan:
Maaaring matututuhan natin ang tamang desisyon sa tamang sitwasyon. Malalaman natin ang kahalagahan ng pagtupad at pagganap sa tungkulin ng isang indibidwal sapagkat sa ating kamay nakasalalay ang pag-unlad ng ekonomiya.
Ang MITOLOHIYA ay isang anyong panitikan kung saan karaniwang tumatalakay sa mga diyos o diyosa at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Kadalasang ang mga normal na karakter ay naniniwala o sumasamba sa mga diyos at diyosa na kanilang pinaniniwalaang gumawa ng mga bagay-bagay sa kanilang kapaligiran. Ang MITOLOHIYA rin ay koleksyon ng iba’t-ibang mga akda ng mga tao na nagnanais pa na pag-aralan ng mabuti o alamin ang iba’t-ibang kwento na mayroon sa isang lugar o sa isang komunidad.