Answer:
Pangyayari 1:
Bago pa man bumalik sa sariling bayan si Jose Rizal noong Oktubre 1887, marami ng kasawiang dinanas ang kanyang mga kamag-anakan at kaibigan dahil sa pagkakasulat niya ng Noli Me Tangere.
Pangyayari 2:
Sinimulan ni Rizal and nobelang El Filibusterismo sa harap ng karanasang ito.Nilisan ni Rizal ang Pilipinas noong Pebrero 3, 1888 dahil sa pangamba niyang manganib ang buhay ng mga mahal sa buhay.
Pangyayari 3:
Hindi nagwakas sa paglisan ni Rizal ang suliranin. Ang kanyang pamilya ay inusig. Umakyat ang kaso sa lupa ng mga Mercado-Rizal hanggang Kataastaasang Hukuman ng Espanya. Bukod dito’y dumanas si Rizal ng suliranin sa pananalapi. Naisiwalat ni Rizal ang kanyang paghihirap sa isang liham na naipadala kay Jose Maria Basa.
Pangyayari 4:
Sa kabutihang palad, nang lahat ang pag-asa ni Rizal, dumating ang hindi niya inaasahang tulong ni Valentin Ventura mula sa Paris. Ipinadala niya ang kabuuang gugol sa pagpapalimbag ng aklat matapos mabalitaan ang pangangailangan ni Rizal sa salapi.
Pangyayari 5:
Natapos limbagin ang aklat noong Setyembre 18, 1891 sa Ghent,Belgium. Inihandog ni Rizal ang nobela sa alaala ng mga paring sina Gomez,Burgos at Zamora.
Explanation:
Pa Brainliest po