Answer:
Ang diagdig ay binubuo ng crust, ang matigas at mabatong bahagi ng planetang ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65 kilometro (km) palalim sa mga kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay may kapal lamang na 5-7 km. Sa ilalim ng crust ay ang mantle, isang patong ng mga batong napakainit kung kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Ang kaloob-loobang bahagi ng daigdig ay tinatawag na core na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel.
Ang daigdig ay may tinatawag na mga plate o mga malaking masa ng solidong bato. Hindi nananatili ang mga plate sa posisyon nito. Sa halip, ang mga ito ay gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle. Ang nangyayaring paggalaw ng mga plate ay napakabagal, it ay lamang 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon.