Answer:
Ang ibig sabihin ng salawikaing ito ay dapat disiplinahin ng mga magulang ang kanilang mga anak upang hindi lumaking suwail.
Explanation:
Ang mga katagang “Anak na di paluhain, ina ang patatangisin” ay isang halimbawa ng salawikain o kasabihan, na ginagamit ng mga Pilipino simula pa noong unang panahon upang magbigay aral sa sinumang makakarinig nito. Ang kasabihang ito ay nagbibigay babala sa mga magulang na kung hindi nila didisiplinahin ang kanilang mga anak sa musmos na gulang, ay sila din ang magsisisi sa bandang huli sapagkat maaaring lumaking suwail ang mga bata na pwedeng humantong sa kanilang ikapapahamak.