Halimbawa ng mga pang-abay:
- Pala
- Hanggang
- Kina
- Dalawang oras
- Talaga
Mga pang-abay na salita na ginawang pangungusap:
- Umalis pala ang mga kapatid niya kagabi.
- Mananatili siya dito sa bahay hanggang bukas.
- Kina Dave at Dio ang nawawalang mga tuta.
- Dalawang oras na naghihintay iyong nanay sa tagal.
- Talagang napakatalino ng mga batang iyon.
Paliwanag:
Ano ang ibig sabihin ng pang-abay?
Sa ingles ito ay tinatawag na adverb. Tumutukoy ito sa mga salitang nagbibigay turing dito o kaya naglalarawan sa salitang pandiwa, kapuwa pang-abay at mga pang-uri. At ito ay kapansin-pansin dahil kalimitan na kasama ito ng pandiwa o kaya naman pang-uri sa isang pangungusap.
Mga uri ng pang-abay:
Pang-abay na pamanahon
Tumutukoy ito sa pagbibigay turing sa pandiwa kung saan nagsasaad ito kung kailan naisagawa ang isang pagkilos.
Halimbawa: kapag, noon, mula
Pang-abay na pamaraan
Ito naman ay tumutukoy sa npagsasaad kung paano naisagawa ang pagkilos ng pandiwa.
Halimbawa: na, nang, ng
Pang-abay na panlunan
Ito ay tumutukoy naman sa pook kung saan ginanap ang pangyayari ng isang kilos.
Halimbawa: kina, kay, sa
Pang-abay na pang-agam
Tumutukoy naman ito sa pagiging hindi tiyak o lubos hinggil sa bagay o kaya kilos.
Halimbawa: baka, tila, marahil
Pang-abay na panang-ayon
Tumutukoy ito sa pagiging pagsang-ayon sa isang pangyayari o kalagayan.
Halimbawa: sadya, talaga, oo
Pang-abay na pananggi
Ito naman ay tumutukoy sa pagtutol tungkol sa ginawang kilos.
Halimbawa: ayaw, hindi, di
Pang-abay na pamitagan
Ito naman ay tumutukoy sa pagiging madalas na nakikita sa isang pangungusap. Nagpapakita o nagpapamalas ito ng paggalang
Halimbawa: Saan po kami puwedeng dumaan?
Pang-abay na pampanukat
Ito ay tumutukoy sa pagbibigay turing hinggil sa sukat, timbang, bigat ng isang tao kaya bagay.
Halimbawa: limang palapag, marami, isang gating
Pang-abay na panulad
Ito ay tumutukoy sa pagsasaad ng pagiging magkatulad o kaya paghahambing ng mga tao, pook, lugar o kaya pangyayari.
Halimbawa: kaysa
Para sa higit na detalye kung nais mo pa makapagbasa, tingnan ito:
Ang pagkakaiba ng pang-uri at pang-abay: brainly.ph/question/502623
Ilan pa sa mga halimbawa ng uri ng pang-abay: brainly.ph/question/218725
#BrainlyEveryday