Subject:
Araling PanlipunanAuthor:
huangCreated:
1 year agoAnswer:
AP Grade 10Saloobin tungkol sa Hamon Dulot ng Epekto ng Globalisasyon Week 7-8
Gawain sa Pagkatuto Blg. 1
By : @Rougue Takoshiba
Epekto ng Pagkakaroon sa Pagkakasundo
Nagkakaroon ng pagkakasundo ang mga iba't-ibang bansa ukol sa kalagayan ng kalikasan. Nakatutulong ito sa pag-angat ng ekonomiya ng bawat bansa kung saan naibibigay ang pangangailangan ng bawat isa. Ngunit ang mga ilang bansa ay ginagamit ito para sa pansariling pagpapaunlad ng kanilang bansa. Naaabuso ang kayamanan ng isang bansa at naibibigay ito sa ibang bansa sa halip na sa sariling bayan. Dahil sa matinding paggamit at pangangailan, nagkakaroon ng shortage. Halimbawa na lamang nito ang Pilipinas, dahil pagkakasundo ng Gobyerno sa mga ilang ibang bansa ay gayon na lamang ang pagtaas ng kahirapan sa bansa sa kabila ng napakayamang kalikasan nito.
Epekto ng Oportunidad sa Sektor ng Paggawa
Maraming nagagawang oportunidad na makapagtrabaho at makapamuhay ng maganda ang globalisasyon. Tulad nito ang migrasyon na kung saan ito'y isang panibagong daan upang makahanap ng mas magandang trabaho. Nakapagtatrabaho ang manggagawa sa ibang bansa para sa mas malaking kita o sahod na ipinapadala sa bansang iniwan. Nakatutulong ito sa pag-unlad ng ekonomiya ng dalawang bansa. Ngunit dala din ng oportunidad na ito ang mga pangamba dahil sa mga mayayamang bansa na nangangasiwa ng mga kompanyang pinagtatrabahuhan ng mga tao mula sa mas mahirap na bansa. Hindi nakakamit ng maraming manggagawa ang mga benepisyong para sa kanila dahil sadyang hindi ipinapatupad ng mga switik at gahamang mga employer. Ang mga gahamang employer ay alam nilang kayang tapalan ng salapi ang mga korap sa pamahalaan. Dahil dito, Naaayon sa kanila ang kanilang pamantayan at polisya ang mga pamantayang pangkasanayan at kakayahan, pagpili, pagtanggap, at pasahod sa mga manggagawa. Kaakibat nito ang iba't-ibang anyo ng pang-aabuso sa karapatan ng mga manggagawa tulad ng pag-exploit o hindi patas na pagtrato sa manggagawa.
Epekto ng Pag-unlad ng Teknolohiya
Dahil sa paglago ng impormasyon at mga kaalamang siyantipiko ay nagdulot ng maraming pagbabago sa teknolohiyang ginagamit sa iba't-ibang panig ng mundo. Mabilis ang paglago ng teknolohiya dahil sa globalisasyon na nakakatulong upang mapadali ang buhay at mapa-unlad ang lipunan sa iba't-ibang bansa. Ito ang pangunahing dahilan sa pag-usbong at paglago ng globalisasyon lalo't higit ang mga teknolohiyang may kinalaman sa komunikasyon. Dito dumadaloy ang impormasyon na nagdudulot ng paglago ng kaisipan, kultura, produkto at pamumuhay ng mga tao sa bawat lipunan sa daigdig. Subalit ang mga mayayamang bansa lamang ang may kakayahang na magkaroon ng mga makabagong teknolohiya. Hindi lahat ng bansa ay mayroong kakayahan ng ganito kaya naman napag-iiwanan ang mga bansang mahihirap sa teknolohiyang dulot ng globalisasyon. Isang pang hamon ng pag-unlad ng teknolohiya ay ang pagtaas ng antas ng pagkawala ng mga trabaho ng mga manggagawa o unemployment dahil napapalitan ng mga makabagong teknolohiya ang mga kakayahan ng manggagawa. Dulot naman nito ang pagtaas ng kahirapan sa bansa.
Epekto ng Pag-unlad ng Ekonomiya
Dulot ng Globalisasyon ang pag-unlad ng ekonomiya dahil sa patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga ibang tao na nagmula sa iba't-ibang panig ng daigdig, pakikipagkalakalan sa iba't-ibang bansa na nagbibigay sa mga tao ang maraming sangay ng pakikipag-ugnayan, mabilis na pagpapalitan ng mga impormasyon sa tulong ng teknolohiya, at bagong daan upang makahanap ng disenteng pamumuhay at trabaho ang mga ilang manggagawa. Ilan lamang iyan kung bakit mabilis ang pag-unlad ng ekonomiya isang bansa dulot ng globalisasyon. Subalit dahil sa malaki ang epekto ng pakikipagkalakalan ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa at hirap makipagsabayan sa mga bansang advance ang teknolohiya, nagkakaroon ng problema sa ekonomiya sa iba't-ibang bansa lalo na ang mga nasa mahihirap na bansa. Dito ay nagkakaroon ng malaking agwat sa ekonomiya ng iba't-ibang bansa dahilan ng malaking agwat ng mahihirap at mayayaman. Ang mga mayayaman ay may kakayahan at ang mga mahihirap ay patuloy na maghihirap.
Explanation:
sorry na kung mahaba. sana makatulong, that's my opinion. f o l l o w me.
Author:
jakennsu
Rate an answer:
3