Kabutihan sa Kapuwa
Mahalaga na ipamalas natin ang kabutihan sa ating kapuwa sa lahat ng pagkakataon. Kapag tayo ay mabuti sa kapuwa natin tanda ito na may pag-ibig sa kanila at malasakit. Patuloy na magpakita nito lagi at limitahan ang ganitong katangian. Gawin ang buong makakaya natin na maging mabuti sa ating kapuwa.
Limang kabutihang nagawa sa aking kapuwa:
- Pag-aalok at pagbibigay ng tulong sa panahon na kailangan nila
- Pagbibigay paggalang at respeto sa kanila
- Pakiisa sa pakikipagtulungan sa mga organisasyon may kinalaman sa pagbibigay kabutihan sa iba
- Pagpaparaya at pag-aalalay sa mga may-edad, may sakit, PWD at iba pa
- Pagdodonate ng mga pagkain at damit sa mga nangangailangan nito
Maaari mong alalahanin ang mga puntong ito sa buhay mo:
- Ang pagpapakita ng kabutihan sa kapuwa natin ay hindi dapat maghintay ng kapalit. Dapat na magkaroon tayo ng kusang loob na pangmalas sa bagay na ito. At kailangan na udyok ito ng pagmamahal sa kanila kaya mo ito ginagawa o sinasakrispiyo. Humanap lagi ng paraan ng pagpapakita ng kabutihan sa lahat ng oras. Maraming mga paraan para maipamalas ito, at huwag paghinayangan ang pagbibigay o pagpapakita ng katangiang ito.
- Tiyak na pagpapalain ng Diyos ang pagsisikap natin na maging mabuti sa ating kapuwa. Ang paggawa ng kabutihan sa kapuwa natin ay paraan para mapaunlad o kaya mapasulong ang pakikipagkapuwa tao natin. Kaya dapat matutuhan natin ito ipakita sapagkat mahalagang gampanin ito sa buhay natin. Nagbibigay ito ng magagandang kaugnayan sa iba at nakakakita tayo ng tunay na mga kaibigan.
- Kaya kapag tayo ay nagpakita ng kabutihan sa kapuwa natin, matatamo rin natin ang katangiang ito sa sa sarili natin. Tularan natin ang Diyos na unang nagpakita ng kabutihan sa atin. Sikapin natin gawin ang buong makakaya natin na ipakita ito sa lahat ng oras. Patuloy ito iparamdam sa ating kapuwa, sinuman sila o saan man ang kanilang pinagmulan na bansa. Huwag na huwag natin ito kakalimutan sa buhay natin.
Naisin mo pa bang makapagbasa ng higit? Puwede kang bumisita dito sa mga links na ito na may kaugnayan sa ating paksa:
Ilan sa mga halimbawa ng paggawa ng mabuti sa ating kapuwa: brainly.ph/question/2401924
Dapat ba natin ipagpaliban ang paggawa ng mabuti sa lahat: brainly.ph/question/2109570
#BrainlyEveryday