Answer:
Salik ng Pagkonsumo
Panlasa: Ang salik na nakaka-apekto dito ay ang demonstration effect. Kung nasa panlasa mo ang isang produkto dahil inendorso ito ng paborito mong artista, ang produktong ito ay bibilin mo.
Kita: Ang salik na nakaka-apekto dito ay ang kita. Kung mataas ang kita mo, mas marami kang gustong pagkagastusan.
Okasyon: Ang salik na nakaka-apekto dito ay ang mga inaasahan. Kung may okasyon, mas malaki ang iyong gastos pambili ng mga ihahanda.
Narito ang mga salik ng pagkonsumo:
- Kita – ito ay tumutukoy sa kinikitang pera ng mga tao. Mas malaki ang kita ng isang indibidwal, mas marami ang mga bagay na pwede niyang bilhin.
- Pagbabago ng presyo – ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng motibasyon ng isang indibidwal na kumonsumo base sa presyo ng isang produkto.
- Mga inaasahan – ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring maaaring maganap sa hinaharap na makaka-apekto sa pagkonsumo ng tao.
- Demonstration effect – ito ay ang mga patalastas na napapanood sa TV at internet.
- Pagkakautang – Kung marami kang utang, kailangan mo munang magtabi ng pambayad at liliit ang halagang gagastusin para sa pagkonsumo.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga uri ng pagkonsumo, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/6926799
#BrainlyEveryday