1. ano sa iyong palagay ang isang ideal na pamahalaan, lider, at botante?2.paano magkaroon ng karapatan ang isang tao nh bumuto tuwing eleksyon?3. Gaano kahalaga sa inyo ang iyong buto?4.Anu-anong katangian ang iyong hinahanap sa mga kandidatong tumatakbo ngayong eleksyon?​

Answers 1

Ang Pagiging Botante Ang pagiging botante ay karapatan na dapat nating ginagamit at hindi lamang ginagamit para sa pansariling agenda, kung hindi ay para sa mga bata, mga matatanda, mga babae, lalake, lgbtq, sa kalikasan, at sa mga hayop. Ito ay ay para sa kinabukasan ng bansa, kaya ito ay dapat lamang na pinag-iisipan  ng mabuti at ng may pagmamalasakit.

1. Ang isang "ideal" na pamahalaan ay kung saan tunay nitong natutulungan at natutugunan nito ang mga pangangailangan nang bansa, nang mga tao, at napamamahalaan nito ng maayos ang mga resources sa bansa. Sa isang banda naman, ang lider, ay ang tao na nangunguna sa pamamahala o siyang nagpapatakbo ng pamahalaan, ang isang "ideal" naman na lider ay siyang nakikinig sa mga hinaing ng mga pinamamahalaan nito at walang bahid ng malisya sa kanyang katauhan. Ang botante naman na "ideal" ay ang siyang sinusuri ang mga "ideal" na lider. Ang kanyang pagboto ay hindi dahil sa mga rason na hindi kasiya siya, ngunit ito ay dahil sa galing at pagiging "ideal" ng isang lider. Alamin pa lalo ang kahulugan ng Good Governance brainly.ph/question/1394769

2. Isa sa mga karapatan ng mga mamamayan ay ang pagkakaroon ng kalayaang pumili, tumantya, at boto ng kung sino man ang kanilang mga napagdesisyunang botohin. Alamin dito ang 10 katangian ng isang "Good Leader" brainly.ph/question/2344894

3. Ang pagboto ay napakahalaga sapagkat ito ang tumutuldok sa kahihinatnan ng bansa o ng isang lugar. Sa tamang pagboto, naipapakita natin ang ating pagmamahal sa ating bansa, sapagkat hindi natin ilalagay sa kamay ng mga maling lider ang ating bansa.

4. Ilan sa mga katangiang hinahanap sa mga kandito ngayon ay ang may kakayahan na baguhin ang kasalukuyang sitwasyon ng mga paghihirap sa bansa, may dedikasyon, may pagmamahal hindi lamang sa bansa ngunit pati sa mga tao at sa kalikasan.  Narito ang mga dapat taglayin na mga katangian ng isang lider. brainly.ph/question/491620

#BRAINLYEVERYDAY

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years