Answer:
PAGLISAN
PANIMULA:
Si Ononkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, ay nagmula sa lahi ng mga Umuofia,Isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria. Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan si Amalinze, ang pusa. Dahil dito, kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula Umuofia hanggang Mbaino.
TUNGGALIAN:
Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, Isa sa matatandang taga Umuofia,ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Exuedu na huwag makialam sa planong ito si Okonkwo. "Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon ng kalalakihan ng Umuofia sapagkat Isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo," wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo.
KASUKDULAN:
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito ay noong binigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna.
KAKALASAN:
Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa kanilang simbahan. Dahil dito humiling Siya ng pakikipagtulong sa pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong.
WAKAS:
Dumating sa Lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng distrito upang imbitahan Siya sa isang pagdinig sa Korte subalit natagpuan na lamang niyang nakabitin si Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Guminbal sa buong nayon ang nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan at bukod dto, si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang at malakas. " Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal,matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso". Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.
Explanation:
hope it helps:))