Isa isahin at bigyang lahulugan Ang mga anyong Lupa at tubig at nagbigay ng mga halimbawa nito​

Answers 1

Answer:

anyong lupa

Kapatagan — isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.

Bundok — isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol.

Bulkan — isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig

Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok.

Lambak — isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.

Talampas — patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman

Baybayin — bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat

Bulubundukin — matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod.

Pulo — mga lupain na napalilibutan ng tubig.

Yungib — mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop.

Tangway — pahaba at nakausling anyong lupa na naliligiran ng tubig.

Tangos — mas maliit sa tangway.

Disyerto — mainit na anyong lupa

anyong tubig

Karagatan -Ang karagatan ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.)

Dagat - Ang dagat ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan.

Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o *burol.

Look - Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan.

Golpo - bahagi ito ng dagat.

Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.

Bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.

Kipot- makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago nito.

Talon - matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa

Batis - ilug-ilugan o saluysoy na patuloy na umaagos.

Sapa - anyong tubig na dumadaloy.

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years