Answer:
"PAREHONG KASARIAN"
Sa mundong ito
Hindi kami perpekto
Hindi rin kami magkapareho
At iiba ang aming gusto
Pero bakit ang turing nyo samin hindi tao?
Dahil ba sa aming pagkatao?
Anu bang kasalanan namin sa inyo?
Bakit nyo kami ginaganto?
Kasalanan ba namin ito
Dahil ito ang aming gusto?
Kaya di nyo kayang irespeto?
Babae na ang hanap ay babae rin
Lalake na ang hanap ay lalake rin
Parehong kasarian di kabilang sa sanlibutan
Ganyan ang turing samin ng mga kabataan
Nilalait at hinuhusgahan
Pero bakit ganun nalaman'
Kung ituring di kami kabilang sa lipunan
Dahil ba salot kami sa bayan?
Ito ang tatandaan
Hindi lang babae't lalake ang pwedeng magmahalan
Paano naman kaming parehas ang kasarian? Pagbabawalan.
Maaring hindi kami maging si eba at adan na magkasintahan
Pede naman kaming maging si adan at adan na nag-iibigan
At si eba at eba na nagmamahalan
Walang masama sa parehong kasarian na nag mamahalan
Dahil hindi naman ito kasalanan
Bagkos isa itong kasarinlan na di kayang pigilan ng sinuman
Ano ba ang masama?
Yung mag kaibang kasarian
Pero naglolokohan, nagkaliwaan at nauwi sa hiwalayan?
O
Magkapareho ng kasarian na aabutin pagiibigang walang hanggan?
Mga kabataan
Ito ang tatandaan
Hindi kami sakit na pandidiriaat kailangan layuan
Isa lang ang aming kaylangan
Ang karapatan sa kalayaan at tanggapin kami sa lipunan
Kahit iba ang aming kasarian.
Explanation:
RESPECT EACH OTHER