Sagot:
Dahil sa pagtugon ng magulang mula sa stress na pinagdadaanan ng anak at epekto nito sa pamilya, nadulot ito ng kabutihan sa anak. Nabawasan ang kaniyang alalahanin sapagkat naramdaman niya na hindi siya nag-iisa sa problema niya at may kasama siyang aalalay sa kaniya. Naging mas masaya ang anak at kita sa reaksyon ng mukha niya ang paglimita ng stress sa buhay niya. Mas napalapit ang anak sa magulang at nakakapag-open na rin ng saloobin para maagapan agad.
Paliwanag:
Ang pagtugon agad ng magulang mula sa kinakaharap ng anak ay maililigtas nito ang buhay niya sapagkat naaapektuhan ang paraan ng pag-iisip. Nagsisilbing kanlungan ang magulang sa panahon ng kabalisahan o stress na kinahaharap ng mga bata ngayon. Iba ang epekto nito sa buhay ng isa at paging sa paraan ng pag-iisip ng siya. Kaya malaking bagay talaga ang pagtulong ng magulang upang hindi na lumala ang sitwasyon o kaya mauwi sa hindi inaasahang pangyayari.
Anu-ano ang mga paraan para magawa ito ng magulang?
Tingnan ang ilan sa halimbawa:
- Hubugin sa tamang gawain at saloobin
- Turuan sila na manalig at magtiwala sa Diyos
- Hikayatin ang anak na magsabi ng kanilang niloloob para maunawaan ang kanilang kalagayan
- Huwag silang pagalitan agad sapagkat mas magiging malala ang sitwasyon
- Pakinggan ang mga sasabihin nila para makagawa ng kinakailangan aksyon.
- Iparamdam sa kanila na hindi sila nag-iisa
- Hayaan silang magsalita at unawain ang sasabihin nila
Malaki ang atas ng magulang sa bagay na ito sapagkat apekto sila kapag nakakaramdam ng stress ang mga anak. Kitang-kita sa pamilya ang dulot nito dahil iba ang paraan ng pagtrato at maging sa kanilang paggawi sa isa’t isa. Sikapin na tugunan agad ang mga nababahala sa bawat indibiduwal sa loob ng tahanan para makapagbigay ng kinakailangang tulong.
Magtungo pa sa mga link na ito:
Ang kahulugan ng salitang stress: brainly.ph/question/2009259
Ang epekto ng stress sa mga mag-aaral o estudyante: brainly.ph/question/1410911
Resulta ng stress: depresyon: brainly.ph/question/2171288
#BrainlyEveryday