Sagot at Paliwanag:
1. Ang magkakapatid na parang tigre kung magbangayan sa huli ay nag tutulungan.
- Ang katagang "parang tigre" ay metapora ng paghahalintulad sa pagiging matapang, nakakatakot na bagsik, at kabangisan.
2. Ang buhay ay parang gulong minsan nasa ibabaw minsan nasa ilalim.
- Ang katagang "ang buhay ay parang gulong" ay pagtutulad ng buhay sa isang paikot-ikot na pangyayari sa mga eksena sa tao. Maaaring marating niya ang itaas at ang ibaba sa paulit-ulit na pagkakataon. Tulad ng gulong kailangan din nitong magpatuloy nang magpatuloy.
3. Ito ang iyong tatandaan na huwag mong dudungisan ang iyong mga kamay.
- Ang katagang "huwag mong dudungisan ang mga kamay" ay isang pangangaral na huwag gumawa ng mali at lumikha ng kasalanan.
4. Sa kilos at gawi ay tila isa kang Maria Clara.
- Ang katagang "tila isang Maria Clara" ay pagtutulad sa mga babae na pagiging kimi, mayumi, tahimik, at hindi mahiyain. Isang ugali ito na nangangahon sa kahulugan ng isang babae.
5. Si Huiquan ay maamong tupa na humarap kay Tiya Li.
- Ang katagang "maamong tupa" ay metapora ng katangian ng tao sa pagiging mabait at palasunod sa sinasabi ng ibang tao. Hindi mailap at hindi nananakit tulad ng isang tupa.
#BRAINLYFAST