PAGLALAPIAng salitang paglalapi sa wika ay tumutukoy sa paraan ng paglalagay ng mga panlapi sa partikular na salitang-ugat.
Kasagutan
Ang panlapi na ginamit sa salitang napakasariwa ay ang salitang "napaka", at ang salitang-ugat naman dito ay ang salitang "sariwa".
Paliwanag:
Ang ginamit na panlapi (napaka) sa naturang salita ay unlapi, o ang klase ng panlapi na karaniwang makikita at inilalagay sa unahang bahagi ng salita. Ang salitang-ugat na "sariwa" naman ay tumutukoy sa estado o pisikal na anyon ng isang hilaw na pagkain, kagaya ng isda at gulay.
Ginamit niya ang unlapi na "napaka" upang ipahayag na ang pagiging sariwa ng isang pagkain ay nasa pinakamataas na antas nito o nais niyang sabihin na ito ay "sobrang sariwa".
Iba pang uri ng panlapi
1. Gitlapi - Ang gitlapi ay isang klase ng panlapi na inilalagay sa gitnang bahagi ng salitang-ugat.
Halimbawa
'mu' (gitlapi) + gulong (salitang-ugat) = gumulong
Gumulong ang bola ng bata hanggang sa labas ng bahay kung saan naglalaro ang iba pang mga batang bisita sa kanyang kaarawan.
2. Hulapi - Ang hulapi naman ay tumutukoy sa uri ng panlapi na makikita sa hulihang bahagi ng salitang-ugat.
Halimbawa
'han' (hulapi) + una (salitang-ugat) = unahan
Binilisan ni Shane ang kanyang takbo upang unahan ang kaibigang si Rish sa paliksahan ng takbuhan na nagaganap sa pista ng kanilang maliit na barangay.
Tingnan ang link na ito para sa karagdagang kaalaman:
- https://brainly.ph/question/10399079
#SPJ1