PAGTUTURO NOON AT NGAYON
- Malaki ang pagkakaiba ng disiplina sa pagtuturo noon sa ngayon, noon may mga karapatan ang guro na magdisplina na ginagamitan ng kamay tulad ng pamamalo, pagpapaluhod sa asin o monngo, pagpaparusa sa mga bata sa gitna ng initan kapag hindi sumunod at kapag hindi nakikinig. Samantalang sa panahon ngayon ang mga bata tumigas ang mga ulo sapagkat mayroon na silang karapatan na magreklamo ng guro kapag sila ay pinagbubuhatan ng kamay ng guro at maaaring mawalan ng lisensya sa pagtuturo ang guro.
- ang pagtuturo noon ay nakafocus sa teacher centered kung saan ang guro ang maraming sinasabi at ginagawa habang ang mga bata ay nakikinig lamang o ito ay tinatawag na " lecture Method" samantalang ngayon ay Learner centered kung saan mas marami ang aktibidad ng mga bata kaysa sa guro.
Ang mga sumusunod ay halimbaw ng pagtuturo noon at ngayon;
1. Sa panahon ng mga kastila ang cura paroko ng simbahan ng katoliko ang magtuturo sa mga bata ng alpabeto at doktrina ng katoliko samantalang ngayon ang nagtuturo ay mga guro na employee ng gobyerno sa pampublikong paaralan at mayroong sinusunod na Curriculum Guide at wala nang dokrina ng Katoliko ang tinururo sa pampublikong paaralan.
2. Gumagamit lamang dati ang mga guro ng manila Paper sa paggawa ng Visual Aid samantalang ngayon ay mayroong mga teknolohiya tulad ng laptop, projector upang makagawa ng magandang visual Aid.