Answer:
Ifugao
Explanation:
Sa gitnang bahagi ng hilagang Luzon ang tirahan ng mga Ifugao. Galing sa salitang ipugo na ang ibig sabihin ay "mula sa mga burol" ang salitang Ifugao.
Ang tipikal na pamayanan ng mga Ifugao ay ang tumpok ng mga kwadradong kubo na natutukuran ng poste. Tulad ng ibang lipunan, mayroon ding mga ari-arian ang mga Ifugao. Ang mga mayaman at mga may titulo ang nag-aari ng maraming hinagdang palayan. Tuwing may pagdiriwang ang mayayaman tulad ng kasal o libing, masagana ang handaan.
May kanya-kanyang gawaing ginagampanan ang bawat Ifugao. Iniuukol nila ang kanilang maghapon sa paggawa. Katulad ng ibang pangkat, mayroon ding diborsyo sa mga Ifugao. Naniniwala sila sa pagkakaroon ng iisang asawa.
Author:
gissellewiley
Rate an answer:
2