Sagot:
Ang kasalukuyang estado ng pamumuhay ng mga estudyante na kung saan hindi sila nabibigyan ng pagkakataong magkaroon ng face-to-face classes.
Paliwanag:
Bukas na ang simbahan na kung saan ang publiko ay mari nang dumalo sa mga misa. Ang mga parke ay busan na rin sa publiko na kahit mga bata ay pwede nang mamasyal. Halos lahat ng mga malls sa bansa ay buksan na rin para sa mga tao hanggat sumusunod pa rin sa tamang health protocol. Nagiging bukas na rin ang boundary ng bawat siyudad at probinsya upang malayang maglabas pasok ang mga tao ano man ang dahilan. Ang mga gym at court ay bukas na rin.
Ngunit, isa sa mga itinatanong ng madla ay kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin pwedeng buksan ang mga paaralan? Mahirap para sa buhay ng estudyante ang online classes lalo na sa mga batang hindi kayang bilhin ang mga gadget. May mga bayan at probinsya rin na hirap sa signal kung kaya't hirap silang makipag sabayan sa pandaigdigang estado ng edukasyon.
Nais kong baguhin ang ganitong sitwasyon sapagka't ang bansa natin ay mas lalong nagiging kulelat sa ganitong uri ng sistema. Kung ikukumpara natin ang face-to-face at online class, mas madaling matututo ang mga estudyante sa fac-to-face sapagkat nagagabayan sila ng maayos ng kanilang mga guro.
#BRAINLYEVERYDAY
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa online classes at face-to-face classes, sundan lamang ang link na ito brainly.ph/question/6644988