Ang wikang pambansa sa panahon ng pananakop ng mga Hapon
Nang masakop ang Pilipinas ng bansang Hapon noong 1942, binigyan pa rin nito ng kapangyarihan ang mga Pilipino na pangasiwaan ang pamahalaan nito, ngunit hawak pa rin ng mga sundalong Hapon ang Idineklara ng dating pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa sa araw ng kapanganakan ng bayani na si Dr. Jose Rizal buong bansa. Ipinakilala sa mga Pilipino na ang dahilan ng kanilang pananakop at pagsisikap na mabura ang lahat ng impluwensiya ng bansang Amerika sa Pilipinas ay ang kanilang pagtataguyod sa Co- prosperity Sphere in the Greatest East Asia, upang makamit ng Pilipinas ang kaunlaran at kultura nang hindi napapakinabangan ng ibang malalaking bansa. Tinatawag ng mga Hapon ang hakbanging ito na ang “Asya ay para sa mga Asyano” at ang “Pilipinas ay para sa mga Pilipino.” Nais din nilang paunlarin ang mga bansa sa katimugang-silangang Asya kung makikiisa ang mga bansa rito kasama ang Pilipinas.
Subalit ang tunay na dahilan ng kanilang pananakop ay dahil sa paglaki ng populasyon ng bansang Hapon at kinakailangan na palawakin ang teritoryo nito. Ikalawang dahilan ay ang paglaki rin ng kanilang produksyon kaya kinakailangang magtayo ng mga pamilihan upang bagsakan ng kanilang mga produkto, at kinakailangan din nilang maghanap ng mapagkukuhanan ng mga likas na yaman na magagamit sa paggawa ng mga makabagong teknolohiya at mga kagamitang pandigma.
Pinasigla ng pamahalaang Hapon ang panitikang nakasulat sa Tagalog. Maraming manunulat sa wikang Ingles ang gumamit ng Tagalog sa kanilang mga tula, maikling kuwento, nobela, at iba pa. Nagbuo rin ng isang komisyon na naghanda ng Saligang Batas na nagtadhana sa Tagalog bilang wikang pambansa. Sa Artikulo IX, Seksiyon 2 ng Konstitusyon ng 1943, nakasaad na, “ang Pamahalaan ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Tagalog bilang pambansang wika.”
Noong Hunyo 4, 1946, nang matapos na ang digmaan, ganap nang ipinatupad ang Batas Komonwelt Big. 570 na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika. Sinimulan na ring ituro ang Wikang Pambansa sa mga paaralan.
Ilang taon ding hindi napagtuunan ng panahon ang pagpapalaganap sa Wikang Pambansa hanggang sa mailuklok bilang pangulo ng bansa si Ramon Magsaysay. Noong Marso 6, 1954, nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon. Alinsunod ito sa pagbibigay-puri sa kaarawan ni Francisco Balagtas bilang makata ng lahi.
Dagdag na kaalaman hinggil sa estado ng wikang pambansa sa panahon ng pananakop ng mga Hapon: https://brainly.ph/question/9903564
#BRAINLYFAST