Answer:
Kasuotan at Palamuti sa Katawan ng mga Sinaunang Pilipino
Ang mga sinaunang Pilipino ay nagmamay-ari ng maraming klase ng kasuotan at iba’t-ibang uri ng palamuti sa kanilang mga katawan. Narito ang ilan sa mga ito:
- Tato - ito ay simbolo ng katapangan at kagitingan para sa mga kalalakihan, habang kagandahan naman ang sinasagisag nito para sa mga kababaihan.
- Nganga - bisyo ng mga sinaunang Pilipino kung saan nginunguya ang betel nut na nakapaloob sa dahon. Nagiging kulay pula ang kanilang mga bibig dahil dito.
- Kalumbigas - isang pulseras na isinusuot sa braso at binti.
- Ling-ling-o - isang uri ng hikaw na maraming nakasabit na bato.
- Putong - kasuotang panlalaki na isang uri ng tela na ibinabalot sa ulo. Burdado ito kung isusuot ng mga datu.
- Kangan - kasuotang panlalaki na ginagamit pan-itaas. Pula ang kulay nito para sa mga datu, habang bughaw naman para sa mga bagani. Itim ang kulay nito sa mga kalalakihang hindi datu o bagani.
- Bahag - kasuotang pang-ibaba ng mga kalalakihan.
- Baro at Saya - kasuotan ng mga kababaihan.
- Tapis - kasuotan ng mga kababaihan na malaking telang ibinabalot sa katawan.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga sinaunang Pilipino, bisitahin lamang ang link na ito:
brainly.ph/question/157630
brainly.ph/question/439434
#BrainlyEveryday