Maaaring simulan ang pakikipagusap tungkol sa damdamin ng iyong anak sa panahon ng pagbobonding, o hapag kainan kapag ang pamilya ay masaya at nasa mood. Maaring alamin ang kanilang damdamin tungkol sa mga isyu na napapaharap sa mga kabataan. Tungkol sa bullying, pagpili ng mga kaibigan, mga tunguhin sa buhay o pakikitungo sa hindi kasekso. Ang ganitong pakikipagusap sa mga anak ay makatutulong upang malaman ang kanilang mga niloob at magkaroon ng tiwala sa isat-isa. Mas marunong sa buhay ang mga batang may magandang relasyon sa kanilang mga magulang.
Mga Paraan Kung Paano Gaganda Ang Samahan Ng Mga Anak At Mga Magulang
Ang mga sumusunod ay ang mga paraan kung paano gaganda ang samahan ng mga anak at magulang:
- Maglaan ng panahon sa pakikipagusap at huwag hayaan na maging busy ang bawat isa sa mga walang katuturan na bagay tulad ng pagkaadik sa social media
- Sikaping kumain ng sabay sabay upang magkaroon ng malapit na kaugnayan ang bawat isa
- Maging mahusay na tagapakinig
- Magtanong at maging mapagmasid dahil ang mga bagay na big deal sa atin ay maaaring hindi gaano sa ibang tao , bukod sa layo ng edad at kakayahang mag-isa at personalidad. Maarri kang magtanong sa maayos na paraan kung ano ang nararamdaman nila
- Maging mabagal sa pagsasalita dahil madalas nadadala tayo ng ating mga emosyon at nakakapagsalita kaagad ng mga bagay na hindi napag-iisipan
- Manatiling kalmado at tandaan na hindi kayo magkaaway kundi magkakampi
- Mag-usap ng may pagmamahal , ang pangunahin na dahilan ng pag-uusap ay maging malapit sa isat-isa at makatulong hindi ang makapagturo ng mga mali
- Galangin ang iba anak man o magulang
Karagdagan impormasyon:
pag-galang :
https://brainly.ph/question/18087319
Gawain sa Paglaban sa Takot
(kapag may nambu-bully):
https://brainly.ph/question/5188038
Pag isipan at ilahad Ang mga misyon, layunin o Gawain na dapat naisasakatuparan ng inyong pamilya.:
https://brainly.ph/question/5193056
#BrainlyEveryday