Kasingkahulugan at Kasalungat
Maraming mga salita ngayon ang may pare-parehong mga ibig sabihin kahit iba-iba ang bigkas. Ang kasingkahulugan ay pagkakaroon ng katumbas na pagpapahiwatig, kahulugan at ideya. Sa ingles tinatawag itong synonyms. Ang kasalungat naman ay kabaligtaran ng kasingkahulugan at nagbibigay ito ng ibang ibig sabihin. Sa wikang ingles, ito ay tinatawag na antonyms.
Ano ang Kasingkahulugan at Kasalungat ng salitang
Malusog?
Kasingkahulugan nito: masigla, malakas, hindi sakitin, mataba at mayabong
Kasalungat: sakitin, mahina, tamlayin, payat na pangangatawan
Tandaan ang ilan sa mga puntong ito:
Ang salitang malusog ay mayroong mga iba’t ibang magkakasingkahulugan na may iisang kaisipan, ideya at ibig sabihin. Nakikita ito kalimitan sa pisikal na anyo ng isang tao kung kaya nagkakaroon siya ng maraming mga kalakip na mga salita na maaaring tumukoy dito. At ito ay maging sa mga salitang kasalungat nito.
Kapag tayo ay may malusog na pangangatawan, tumutulong ito para maging aktibo tayo at maiwasan ang pagkakaroon ng sakit. Kailangan natin ito para maging mahaba ang buhay at hindi magkaroon ng komplikasyon sa sarili. Ang pagiging malusog ay may lakip na pagkilos kung paano natin ito gagawin. Tayo mismo ang may katawan ang dapat magdesisyon kung anong mga paraan ang dapat ikilos para maging malusog palagi.
Magtungo pa sa mga links na ito kung naisin mo pa makapagbasa:
Ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pangangatawan na malusog: brainly.ph/question/551230
#SPJ2