Answer:
NAGA CITY – Determinasyon at pagpupursige ang mga katangian ni Hidilyn Diaz para magtagumpay sa larangan ng weightlifting.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Zamboanga Councilor Bong Atilano dating coach ni Hidilyn Diaz, sinabi nito na kahit gaano kahirap ang buhay, hindi ito sumuko sa halip ay pinagpatuloy ang kaniyang pangarap.
Ayon kay Atilano, wala naman aniyang oras na pinalampas si Diaz pagdating sa training.
Ngunit dahil aniya sa matindihang training, medyo nahati nito ang atensiyon sa kaniyang pag-aaral.
SInabi pa ni Atilano na nanatili ang kaniyang payo sa atleta na ipagpatuloy pa rin ang pag-aaral lalo na’t malaki ang importanisya ng lalo na dito sa Pilipinas.
Dagdag pa ng konsehal na labis ang pinagdaanang paghahanda ng atleta simula sa diet nito hanggang pasiring sa mga attempts sa pagbubuhat na ng mga mabibigat na barbel na doble pa umano sa bigat nito.
Samantala, ibinahagi naman ni Atilano na kinabahan din ito kahit hindi pa man nagsisimula ang laban ni Diaz.
Ngunit naging kampante lamang aniya ito ng makita na mismo nitong binubuhat na ni Diaz ang barbel kung saan nasabi na lamang nito sa sarili na makukuha nito ang panalo.
Mababatid na si Hidilyn Diaz ang nakasungkit ng gold medal sa weightligting events ng Tokyo Olympics na pinakaunang gintong medalya na nasungkit ng Pilipinas matapos ang halos 100 taon sa larangan ng Olympiyad