Ang katangian ni Crisostomo Ibarra
- Magalang
- Tapat na mangingibig
- Matalino
- Mataas ang pagpapahalaga sa pamilya
- May mabuting puso,at may magandang hangarin sa kanynag mga kababayan.
Si Ibarra ay magalang lalo na sa mga nakakatanda sa kiniya, at maging sa mga kabinataan at mga kadalagahan kasing edad niya iyon ay ipinakita niya ng magalang siyang nagpakilala sa mga panauhin ng dumalo siya sa isang pagtitipon,kaugaliang natutunan din niya sa kanyang pag-aaral mula sa Europa.magalang din siya kahit na nga madalas ay iniinsulto siya ni Padre Damaso ay nagagawa parin niyang magtimpi dahil iginagalang niya ito bilang isang pari.
Tapat na magingibig si Crisostomo Ibarra kahit na matagal silang nagkalayo ni Maria Clara ay hindi siya tumingin sa iba pinatunayan niya sa dalaga na kahit sila magkalayo ay wala siyang iibigin kundi ang dalaga.
Likas na matalino si Crisostomo Ibarra lalo nahasa ang ganyang galing ng mag aral siya sa espanya sa loob ng anim na taon,
- Mataas ang pagpapahalaga sa pamilya
Mataas ang pagpapahalaga ni Ibarra sa kanyang Pamilya kaya naman ng insultuhin ni Padre Damaso ang kanyang ama kahit ito ay namayapa na ay hindi niya napigilan ang galit, halos mapatay niya ang pari dahil sa di magandang pinagsasabi nito sa kanyang ama.
- May mabuting puso,at may magandang hangarin sa kanynag mga kababayan.
May mabuting puso si Ibarra lagi niyang iniisip kung ano ang makabubuti para sa kanyang mga kababayan, iyon ang ugaling minana niya sa kanyang namayapang ama, na laging handang tumulong sa mga kababayang nangangailangan, kaya naman naisip na magpatayo ni Ibarra ng paaralan para sa mga kabataan.
Si Crisostomo Ibarra ay nag iisang naak na lalaki ni Don Rafael Ibarra, kasintahan siya ni Mari Clara,siya ang binatang pinag-aral ng kanyang ama sa Europa upang maging handa daw siya sa mga dadarating na araw ng kanyang buhay, nag pagawa siya ng paaralan para sa mga kabataang Pilipino
#BetterWithBrainly
Buksan ang link para sa karagdagang kaalaman
Ilarawan si crisostomo ibarra https://brainly.ph/question/523804