Answer:
Ang pangangalaga sa kapaligiran ay kailangang isipin ng bawat isa sa atin. Ang mga tao ang pangunahing gumagamit at nakikinabang dito, kaya kailangan nating isaalang-alang ang kalagayan ng ating kapaligiran. Kaugnay nito, narito ang halimbawa ng slogan tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran:
"Ang kapaligiran ay mahalin at pangalagaan,
puso, isipan at pagkilos ng bawat tao ay kailangan ilaan."
Kahulugan ng Slogan
"Ang kapaligiran ay mahalin at pangalagaan,
puso, isipan at pagkilos ng bawat tao ay kailangan ilaan."
Ang kahalagahan ng slogan na ito tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran ay isa ring panawagan sa mga tao upang gumawa ng aksyon upang maisalba ang kapaligiran. Dapat ay hindi lamang puro salita at bibig ang pinapairal, ngunit kailangan ding pairalin ang puso at isipan sa pagsalba ng kapaligiran. Ang nais natin ay gumawa ng aksyon upang magawan ng paraan ang pagligtas ng ating kapaligiran.
Kahalagahan ng Kapaligiran
Ang kahalagahan ng kapaligiran ay hindi maipagkakaila. Narito ang limang mga rason kung bakit mahalaga ang kapaligiran:
Ang kapaligiran ang pinagkukunan ng mga tao ng pagkain. Tandaan natin na ang ating mga pagkain ay pangunahing mula sa mga puno, halaman at hayop.
Ang kapaligiran ang pinagkukunan ng mga tao ng inumin na kailangan upang mabuhay.
Ang kapaligiran ang pinagkukunan ng mga tao ng hangin na kailangan sa ating paghinga.
Ang kapaligiran ay kailangan para sa biodiversity na kailangan ng mga hayop, halaman at tao upang mabuhay.
Sa kapaligiran nagmumula ang mga tahanan, mga damit, mga gamot, mga kagamitan ng mga tao.
Paggawa ng Slogan
Maaari ka ring gumawa ng iyong sariling slogan. Tandaan lamang na ang mga slogan ay madali lamang tandaan. Ang mga ito rin ay may mahalagang mensahe na tiyak na matatandaan ng mga makakabasa nito. Maganda rin na may tugma ang isang slogan.
Iyan ang halimbawa ng Tagalog slogan tungkol sa pangangalaga sa kapaligiran. Narito ang iba pang mga links tungkol sa nasabing paksa:
Mga halimbawa kung paano mapapangalagaan ang kapaligiran: brainly.ph/question/1913277
Bakit kailangan pangalagaan ang kapaligiran? brainly.ph/question/1812047 at brainly.ph/question/583415