Answer:
Si Psyche ay anak ng isang reyna at hari at ang pinaka-maganda kaysa sa kaniyang dalawang nakatatandang kapatid. Dahil siya ay kinainggitan ni Venus, inutusan niya ang kaniyang anak na si Cupid na paibigan ito sa isang halimaw ngunit sa huli ay umibig si Cupid kay Psyche. Sa kabila ng pagsubok na kinaharap ni Psyche mula kay Venus ay napagtagumpayan niya ito at nagsama sila ng matiwasay ni Cupid.