Answer:
Pano ba lambingin ang mga lalaki? Sa maniwala kayo o sa hindi, napakasimple lang. Hindi kami kagaya ng mga babae na nagpapatampo effect pa, na kahit gusto na makipagbati e pinatatagal pa para masaya o dahil sa pride nya. Para bang sayang ang galit ng mga babae kung mawawala agad. Saming mga boys, hindi naman.
Kaming mga lalaki, yakapin mo lang e mabilis na matutunaw ang puso namin. Bigyan mo ng konting masahe, o kaya hawakan mo lang kamay nya, siguradong may epekto yan. Minsan may konting pakipot din naman, pero wag naman agad kayo sumuko at bumaligtad agad. Wag nyo naman agad sabihin na “ikaw na nga nilalambing ayaw mo pa! Ang arte mo, bahala ka nga dyan!” I mean seriously, minsan lang kami magpalambing kaya nilulubos na namin. Pero promise saglit lang yun. Haha.