ANG PAGLUTAS NG MGA SULIRANIN O PROBLEMA SA PAMILYA
Ang Pamilya ang pinakamaliit at pangunahing parte ng lipunan.
May importanteng papel ito na ginagampanan sa lipunang kanyang kinabibilangan. Bawat isang tao ay nabibilang sa isang pamilya, na naayon naman sa kanyang responsibilidad.
Ang pamilya ay binubuo ng dalawang pangunahing tao na lalake at babae, na napag isa ng kasal at nagsasama sa iisang tahanan.
Sumunod ay ang mga bagong henerasyon na nagmula sa kanila, na tinatawag na mga anak. Sila ang sentro ng pamilya na pinagtutunan nang atensiyon, pagmamahal at pagkakalinga.
Responsibilidad ng mga magulang na hubogin at ituro ang mga wastong gawi sa kanilang mga anak upang lumaki sila ng may kakayanang malinawan ng mga tama o mali at makapagdesisyon ng naaayon sa kanilang likas na kalooban.
Sa ganitong pamamaraan ay pagiging isang mahalagang bahagi o sangkap sila ng isang mapayapa at maunlad na pamayanan.
Katulad nga ng kasabihan na; ' Ang Kabataan ang pag asa ng Bayan'.
Sa kabilang banda, ang isang pamilya ay dumadaan sa mga pagsubok na nagtatakda ng kahihitnan ng kalagayan ng bawat miyembro nito.
May mga pagkakataong ang pagsubok na ito ay lalong nagpapalakas ng ugnayan ng bawat isang kasapi ng pamilya o kaya naman sa malungkot na parte ay nagdudulot ng tuluyang pagkawasak ng samahan at nagdudulot ng pagkakawatak watak ng pamilya.
Narito ang ilan sa mga SULIRANIN NG PAMILYA:
- Hindi pagkakaintindihan at nagdudulot ng hidwaan
-Kakulangan sa komunikasyon at pagsasama
-Suliranin sa hanap buhay
-Suliranin sa mga kaibigang o grupong kinabibilangan ng mga anak
-Suliranin sa pera
-Suliranin sa edukasyon
Mahalagang sumali ang bawat miyembro ng pamilya kung anu man sa mga nabanggit na suliranin ang kasalukuyang hinaharap ng pamilya, dahil nagbibigay ito ng mga sumusunod na kaganapan:
-Nagiging bukas ang komunikasyon at pagbabahagi ng ideya ng bawat isang miyembro upang malunasan ang suliranin.
-Nagpapatatag ito ng samahan ng pamilya
-Nagiging daan ito upang mapaghandaan ang mga panibagong suliranin sapagkat nagmumulat ito sa pamilya kung paano kaharapin ito at mabigyan solusyon.
-Nagiging aktibong bahagi ang Pamilya sa lipunan na kanilang kinabibikangan at naibabahagi ang mga wastong gawain upang masolusyunan ang mga suliranin.
Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa ng
karagdagang detalye,narito ang iba pang mga
links na maari mong i click:
*Mga Suliranin ng Pamilya
https://brainly.ph/question/347325
#BRAINLYEVERYDAY