Answer:
Mahalaga sa kabuuan ang pag-aaral sa heograpiya dahil sinasaklaw nito ang pag-aaral ng lupain na mahalaga sa buhay ng bawat isa. At ang isa sa mga sangay ng heograpiya ay ang heograpiyang pantao na sumasaklaw naman sa mga pag-aaral tungkol sa mismong pamumuhay ng mga tao na naninirahan sa mga lupaing ito. Kung titignan sa isang mas kritikal na aspekto, mahalaga ang pag-aaral ng heograpiyang pantao dahil ito ang batayan ng demography o pagsusuri sa distribusyon ng tao sa isang lokasyon o lugar na dapat lamang pagtuunan ng atensiyon.
kahalagahan ng heograpiyang pantaoSa pag-aaral na ito nakikita ang mga bagay na dapat tugunan na mayroong kaugnayan sa wika, relihiyon, tradisyon, pilosopiya, pagpapahalaga, kultura, at iba pang mahahalagang salik na dapat ay maging batayan ng pag-unlad o hindi kaya naman ay mga suliranin. Sinasaklaw din ng pag-aaral ng heograpiyang pantao ang kanilang kaligtasan. Isang mahalagang salik sa pagiging ligtas ng mga tao ay ang heograpiya.
Dahil sa pag-aaral tungkol sa katangian ng lupa ay nailalayo sa panganib ang mga mamamayan tulad ng banta sa mga kagubatan, gaano kaligtas ang isang lupa mula sa epekto ng mga kalamidad gaya ng lindol, baha, malalakas na ulan, at maging ang penomena ng erosion o pagguho ng lupa.
Explanation: sana maka tulong ;))