Ayon sa Batas Republika Blg. 10054 o mas kilala sa tawag na Motorcycle Act of 2009 ang klase ng helmet na nararapat gamitin ng mga rider ng motorsiklo ay ang pasok sa istandards ng DTI.
May mga nagtatalong impormasyon akong nasaliksik, ayon sa isang artikulong inilathala noong 2019 sa Philippine News Agency ang uri ng helmet na kanilang itinuturing na angkop sa ilalim ng batas ay ang full face o J-type crash helmets. Ayon din sa artikulong ito hindi na nag-iisyu ng ICC Stickers ang DTI simula noong 2012.
Ngunit may isa rin akong artikulong natagpuan na nailathala nuong 2019 na nagsasabing kinakailangang may ICC sticker ang isang helmet bilang tanda na pumasa ito sa istandards ng DTI.
Ang ICC sticker o Import Commodity Clearance ay isang tanda na pumasa ang kalidad nito na umaayon sa Philippine National Standards (PNS).
Kung ang helmet mo naman ay galing sa ibang bansa, kinakailangan mong kumuha ng clearance sa BPS o sa pinakamalapit na DTI Regional o Provincial Office.
Dagdag kaalaman patungkol sa mga batas trapiko ng ating bansa: https://brainly.ph/question/29192918
#SPJ4