Answer:
1.)Nahahati sa dalawang kategorya ang wika, ang pormal at di-pormal na wika. Ang wikang pormal ay karaniwang ginagamit at kinikilala ng mga nakakarami, ito ay angkop na ginagamit sa paaralang at opisina. Ang wikang di-pormal ay wikang ginagamit ng mga tao sa pang-araw-araw nitong pakikipag-usap at pakikipagtalastasan.
2.)Ang wika ay maaari nating gamitin sa pakikipag ugnayan o pakikipag salamuha sa mga taong kabilang sa ating lipunan sa pamamagitan ng pakikipag usap sa kanila. Sa pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang bawat isa at naipahahayag natin ang nais nating sabihin sa ating kapwa. Kung walang wika, mahihirapan tayong sabihin ang mga bagay na ating nararamdaman. Halimbawa, sa pagbili ng mga pagkain, wika ang ginagamit upang magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng nagtitinda at bumibili.
Ang wika rin ang susi ng pag unlad ng isang lipunan. Sa pagkakaroon ng maunlad na wika, nadedebelop din ang kaalaman ng mga mamamayan na kabilang dito. Tumataas ang antas ng kanilang edukasyon na siyang nagagamit upang maging mas produktibong mga mamamayan.