Ano ang paggawa? Bakit mahalaga ang paggawa sa isang lipunan?

Answers 1

Answer:

Paggawa

Ang paggawa ay isang resulta ng pagkilos ng tao o isang aktibidad ng tao na may layuning tumugon sa mga pangangailangan ng kapwa. Maaari itong mano-mano o nasa larangan ng ideya. Tao lamang ang may kakayahan sa paggawa.  

  • Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa (Institute for Development Education, 1991).  
  • Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain; at ang produkto nito, ay magbubunga ng pagbabago sa anomang bagay.

Kahalagahan ng Paggawa sa isang Lipunan
  • Nakatutulong ito sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa dahilan ng pag-unlad nito.
  • Nakatutulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng isang tao.
  • Natutugunan ng isang tao ang mga pangunahing pangangailangan dulot ng paggawa.
  • Nakakakilala ng mga kaibigan na kasama sa paggawa.
  • Nakakapagpaunlad ito ng kakayahan at mga abilidad ng isang tao na naiaambag niya sa kaunlaran ng lipunan.
  • Maaring maging dahilan ito upang magbigay tulong sa kapwa.

Mga Layunin ng Tao sa Paggawa
  • Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya.  
  • Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.  
  • May kakayahin rin ang tao na gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga nangangailangan.  
  • Kumita ng salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang mga pangunahing mga pangangailangan lalo na sa pang araw-araw na pamumuhay.
  • Kailangan ng taong gumawa para mabuhay.  
  • Sa pamamagitan ng paggawa, napagyayaman ang dangal ng isang tao.
  • Mahalagang taglayin ng lahat ng tao ang malalim na pagnanais na maibahagi ang kaniyang kakayahan para sa ikauunlad ng lipunan.  
  • Ang paggawa ay ating pagkakakilanlan para makasunod sa agos ng modernisasyon.
  • Kailangan ng taong gumawa upang tumugon sa ninanais ng Diyos at paunlarin ang sangkatauhan.  
  • Upang higit na magkaroon ng kabuluhan (purpose) sa pag-iral ng tao. Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay ng katuturan dito.

Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ang mga sumusunod:  
  • kaniyang mga pangangailangan;  
  • ang kaniyang pagkamalikhain;  
  • ang tiwala sa kaniyang sarili;  
  • dangal ng kaniyang pagkatao;
  • mapaglingkuran ang kapwa;  
  • buhayin ang tunay na kahulugan ng pagbibigay;  
  • kaniyang bokasyon at bigyang katuparan ito;  
  • kaganapan sarili at ng kapwa;

Para sa karagdagang kaalaman, magtungo sa link na nasa ibaba:

Kahalagahan ng Paggawa sa Tao: brainly.ph/question/451391

Kahulugan ng Paggawa: brainly.ph/question/895442

#LetsStudy

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years