Sumulat Ng isang sanaysay tungkol sa kontribusyon Ng panahon Ng transpormasyon sa aspeto Ng pananamit, pag-uugali o kultura. 5 sentences po ty​

Answers 1

Answer:

Sa pamumuhay ng mga tao sa modernong panahon ngayon, kaakibat nito ang bakas ng nakaraan na nagdulot ng malaking epekto at pagbabago sa iba't-ibang aspeto ng pangaraw-araw nating gawain. Sa pagdaan ng maraming kabihasnan sa daigdig, unti-unting nagkaroon ng transpormasyon sa uri ng pamumuhay, kultura, kaugalian at paniniwala ng mga tao sa kasalukuyan.

Malaki ang naging ambag at impluwensiya ng iba't-ibang kabihasnan na nagpatingkad sa modernong panahon. Mula sa pananamit, nagkaroon ng istilo, klase ng tela at kalidad ang sinusuot na ng mga tao ngayon. Dahil iyon sa mga pangluwas ng produktong naikakalakal sa ibang mga bansa ng mga naunang kabihasnan. Ang pagtatahi at istilo ng mga kasuotan ay nagbago sa paglipas ng panahon.

Ang transpormasyong panahon ang nagsilbing pamantayan din ng mga wastong pag-uugali, at asal o modo na ikinikilos ng mga tao ngayon. Dahil sa kanilang mga pamamaraan, naimpluwensiyahan ang kasalukuyang panahon at nagkaroon ito ng malaking papel sa lipunan. Lalo na sa pakikipagkomunikasyon o pakikitungo sa ating kapwa. Ang hindi magandang pag-uugali ay maaaring makaapekto sa katauhan ng isang indibidwal, gayundin sa relasyon ng mga nakakasalamuha nito.

Dahil sa kontribusyon ng mga naunang kabihasnan, malaki rin ang ipinagbago nito sa ating kultura. Mas naging makasaysayan at makabuluhan ang pinagmulan ng isang indibidwal base sa kanilang paniniwala, tradisyon, at pamumuhay. Sa tulong ng mga kaalaman ng mga naging tanyag na tao sa nakaraan, mas pinahalagahan at binigyang-pansin ang sining, musika, literatura at iba pang aktibidad na nagpapahayag ng kwento o kasaysayan ng isang tao o grupo na may iba't-ibang pinagmulang kultura.

At ngayon, sa tulong ng mga kontribusyon ng transpormasyong panahon, mas napaunlad at napalago ang ating pamumuhay sa kasalukuyan. Hindi na ganoon kakomplikado ang buhay noon sa ngayon. Ang lahat ay pantay-pantay at mayroon nang karapatan pagdating sa batas at sa lipunan. Ang mga bagay na mahirap hanapan ng solusyon ay madali nang matutugunan sa tulong ng makabagong teknolohiya at mga de-kalidad na kagamitan.

Explanation:

Good day po! Ang sagot po na nasa itaas ay hindi kailangang kopyahin lahat (kung gusto mo o hindi). Nasa sa inyo po kung paiikliin niyo po 'yung answer ko o kukuhanan niyo po ng idea kung paano sagutan. Yun lang po, salamat! At sana makatulong sa inyo.

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years