Answer:
1. Ang persona ng tula ay ang ina ng sanggol. Sa tulang ito binanggit niya ang kanyang pangarap sa kanyang anak na maging isang sundalo o mandirigma.
2. Sapagkat naaayon ang paraan ng pagkakasulat nito sa batayan ng pagsulat ng tula.
3. Sa kanyang ama na si Nawal, Kay Zeus at Aphrodite, sa leopardo, at sa leon. Inihahambing sya rito sapagkat ang mga ito'y malalakas at makikisig.
4. Ang lumitaw na kaugalian at tradisyon ng mga taga-Uganda sa akdang nabanggit ay ang pagiging magiting na mandirigma sa kalalakihan. Ang taga-Uganda, tulad ng iilang bansa sa mundo ay naghahangad na gawing magiting na mandirigma ang panganay na lalaki at mamuno ito.
5. Ang kaugaliang naiiba sa ating mga Pilipino sa mga taga - Uganda ay ang paghimok sa mga kalalakihan na magiging isang mandirigma. Ang mga lalaki sa ating bansa ay may kalayaang gawin ang gusto nila sa buhay, ibang-iba sa mga taga-Uganda. Para sa akin, hindi ako sang-ayon dito sapagkat bawat tao ay may karapatang gawin ang nais nila upang hasain ang kanilang potensiyal at upang mas maging kapaki- pakinabang sa lipunan.
6. Para sa akin ang pag-ugnay sa pagkakakilanlan at katangian ng isang tao sa kanyang ama o sa poon ay hindi makatwiran dahil ang bawat isa o bawat tao ay may pagkakaibang katangian.
7. Ang bisang pangkaisipan sa akdang Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay ay, ang tanging hangad ng ina para sa kaniyang anak ay kabutihan lamang at maging malakas na mandirigma ito. Sa pandamdamin naman, ang pagkaantig ng puso dahil punong puno ng pagmamahal ang ina sa kanyang anak.