Answer:
Ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay nangangahulugan na ang mga kalalakihan at kababaihan ay may pantay-pantay na karapatan at responsibilidad sa lipunang kinabibilangan. Ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay tungkol din sa pakikibahagi ng tungkulin para sa ikauunlad ng lahat. Kung mahahadlangan tayo ng kasarian na makita ang kahinaan at kalakasan ng bawat indibidwal, maari itong maging dahilan ng diskriminasyon sa bawat isa.
Ang kababaihan ngayon sa ating bansa ay nakikibahagi na sa pampolitikal na aspeto, paggawa ng desisyon para sa pamilya at sa komunidad. Ngunit, ang mga bagay na iyon ay hindi sapat o hindi nangangahulugang pantay na ang babae sa lalaki. Noong 2010, inilabas ng Forbes Magazine ang kanilang “Most Powerful People in the World.” Sa 68 na tao na na sa listahan, 5 lamang ditto ang babae. Sina Angela Merkel, Chancellor ng Germany; Sonia Gandhi, Presidente ng Indian National Congress; Presidente ng Brazil na si Dilma Rouseff; US Secretary of State Hillary Clinton at si Oprah Winfrey. Sa kabuuang 49% na populasyon ng babae sa mundo, li-lima lamang ang itinuturing na may kapangyarihan. Dito sa Pilipinas, na sa 19.97% lamang ang partisipasyon ng kababaihan sa politika. 2 babae ang nagging Presidente ng bansa, 22 ang nagging senador at 6 dito ang nanunungkulan ngayon sa mataas na gobyerno. Mas marami ang babaeng nakapag-enrol sa elementarya at sekondarya ngunit mas marami pa ring lalaki ang nakapagtrabaho matapos makapag-aral. Batay sa Labor Force Survey o LFS, ang lakas paggawa ng kababaihan ay nasa 49.3% lamang.
Marami nang batas ang naipasa para sa kababaihan ngunit patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng mga karahasan sa kababaihan. Nandiyan ang Anti- Violence Against Women and Children Act o R.A. blg. 9261; Anti- Discrimination Against Women Act o R.A. blg. 6725; Women in Development and Nation Building Act o R.A. blg. 7192; Rape Victim Assistance and Protection Act o R.A. blg. 8505; at Magna Carta for Women o R.A. blg. 9710. Bakit patuloy pa rin ang pagtaas ng karahasan sa kababaihan? Anumang pagkadakila ng layunin ng mga batas na ito para sa kababaihan ay nawawalangsay-say dahil sa hindi pagpapatupad ng maayos sa mga ito. Kinakailangang masigurado na ang mga abtas na ginawa pa ra sa kapakanan ng kababaihan ay maipatupad ng maayos at tama. Siguraduhing isa-isip ng mga na sa kinauukulan ang reporma sa karapatan ng kababaihan.
Kinakailangan nating bigyan pagkakatong maipakita ng mga kababaihan ang kanilang potensiyal na makakatulong sa ikauunlad n gating bansa. Baguhin na natin ang ating pananaw sa kanila. Isulong natin ang Gender Equality sa Pilipinas.
Explanation:
Haha sorry madami