Gabay sa Pagsagot:Ang temang naghahari sa tulang Elehiya para sa Kamatayan ni Kuya ay ang kamatayan at pamilya.
Inilahad sa tulang ito ang pagdadalamhati ng isang kapatid at ng buong pamilya sa pagkamatay ng isang miyembro ng kanilang pamilya, ang kanyang kuya. Inilarawan dito ang mga epekto ng pagkawala ng isang miyembro ng pamilya.Ang Elehiya sa kamatayan ni kuya ay isang matalinghagang tula tungkol sa kalungkutan at paghihinagpis ng isang Ina sa kamatayan ng kaniyang anak na lalaki na si Pema. Sa kaniyang mga salita, makikita ang sobrang pagmamahal habang inaalala niya ang mga bagay na nakikita niyang naiwan ng kaniyang anak.
Mga salita at posibleng kahulugan nito
"Ano ang naiwan!! mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan." - Nasa alala ng Ina ni Pema ang mga kakayahan at pagiging artistik ng kaniyang anak na magagamit niya sana sa kaniyang magandang kinabukasan.
"Wala nang dapat ipagbunyi, ang masaklap na pangyayari ay nagwakas na."- Damang-dama ang sakit na nararamdaman ng isang Ina habang inaalala na masaya pa sila noon pero wala na ngayon.
"Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita. Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak at ang ligayang di- malilimutan."- Ang dating mukha ng isang Ina na punong-puno ng pag-asa ay nalilimitahan dahil sa kamatayan ng kaniyang anak habang inaalala ang masasayang sandali.
"Mula sa maraming taon ng paghihirap, Sapagpapa-aaral at paghahanap ng magpapaaral. Mga mata'y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala. O' ano ang naganap, ang buhay ay saglit na nawala"- Labis na nanghihinayang ang nadarama niya sa lahat ng sakripisyo at paghihirap sa pag-aaral ng kaniyang anak. Kaya napabigkas na "ano ang naganap, buhay ay salit na nawala." Dahil sa kaniyang alaala patuloy paring nabubuhay ang kaniyang minamahal na anak.
"Pema ang immortal na pangalan. Mula sa iisang tahanan. Walang imahe, walang anino, walang katawan. Ang lahat ay nagluksa ang burol ay bumaba, ang bukid ay nadaanan." Dahil sa kamatayan ni Pema naging maingay ang kaniyang pangalan na parang walang katapusan. Marami ang nanghinayang. Nagluksa ang mga kaibigan, kaiskwela at kapamilya dahil sa sinapit niya.
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(1) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
https://brainly.ph/question/265506
(2) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
https://brainly.ph/question/2483601
(3) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/1989121
#BRAINLYFAST