Answer:
Mga halimbawa na pang uri na pangungusap.
Ang ilog sa amin ay madumi.
Masaya ang mga bata habang naglalaro ng taguan.
Ang matandang lalaki ay nagtitinda ng balot.
Mataas ang puno ng mangga na inakyat ko.
Ang rosas ay kulay pula.
Mapait ang ampalaya.
Si Janice ay matalino.
Maputi ang balat ni Anne.
Si Lovely ay mataba.
Siya ay masipag na bata.
Uri ng pang uri
1. Pang-uring panglarawan
Ito ay nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip. Nagsasaad ito ng laki, kulay, anyo, amoy, tunog, yari, lasa, o hugis.
Pang-uring Panlarawan sa Pangungusap
Malaki ang katawan ni Arnold.
Itim ang kulay ng buhok ni Pinky.
Ang dagat ay malawak.
Malinis ang ilog sa Bicol.
Ang tambakan ng basura ay mabaho.
2. Pang-uring Pantangi
Sinasabi ng pang-uring pantangi ang tiyak na pangngalan. Binubuo ito ng isang pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi.
Ang pangngalang pantangi na nagsisimula sa malaking titik ay naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang pambalana.
Mga Halimbawa ng Pang-uring Pantangi sa Pangungusap
Niyakap na natin ang wikang Ingles.
Ipagmalaki natin ang kulturang Pilipino.
Ang pagkaing Bikolano ay dapat matikman mo.
May kaibigan akong lalaking Amerikano.
Bumili ka ng sukang Ilocos.
3. Pang-uring Pamilang
Nagsasabi ito ng bilang, dami, o posisyon sa pagkakasunod-sunod ng pangngalan o panghalip.
Mayroon itong anim (6) na uri ang pang-uring pamilang: ang patakaran, panunuran, pamahagi, pahalaga, palansak, at patakda.
Mga Uri ng Pang-uring Pamilang Image
A. Patakaran o Kardinal
Ito ang mga likas na bilang na pinagbabatayan ng pagbibilang. Nagsasaad ito ng aktuwal na bilang ng tao o bagay.
Mga Halimbawa ng Pang-uring Pamilang sa Pangungusap (Patakaran)
Isa ang pinya sa lamesa.
Walo ang aso ni Rudy.
Labing isa ang pumasok ngayon.
May apat na lalaking sumusunod kay Adelle.
Ang bola ko ay dalawampu.
B. Panunuran o Ordinal
Nagsasaad ito ng pagkakasunod-sunod ng pangngalan o posisyon ng tao o bagay. Sinasabi din nito kung pang-ilan ang tao o bagay sa pangungusap.
Mga Halimbawa ng Pang-uring Pamilang sa Pangungusap (Panunuran)
Si Raymond ang pangatlo sa pila.
Ang Pilipinas ang una sa may pinakamagandang dagat sa Asya.
Ako sana ang ikalawa sa klase kung hindi ako lumiban at nagkasakit.
Si Browni ang ika-apat kong aso.
Mula dito ay panglima ang bahay namin.
C. Pahalaga
Pera ang tinutukoy dito. Nagsasaad ito ng halaga ng bagay o anumang binili o bibilhin.
Explanation:
Sana makatulong