Answer:
Ang pagkakaroon ng mga suliraning panlipunan ay isa sa mga dahilan ng pagkakaroon ng hindi pantay pantay na mga karapatang pantao. Isa na rito ay ang diskriminasyon sa kasarian na madalas mangyari o maranasan ng mga kakabaihan lalo na trabaho o sa paghahanap ng trabaho. Isa pa ay ang di matapos tapo na seksuwal na mga karahasan na nangyayari sa paraheng kasarian, lalaki man o sa babae.
Narito ang mga plano o aksyon na aking naiisip upang makatulong na matigil na ang mga ganitong gawain.
Plano para sa diskriminasyon sa kasarian:
Dapat magkaroon ng mga maigting na pagpapatupad ng batas na kilala sa pantay pantay na karapatan ng babae at lalaki hindi lang sa larangan ng paggawa pati na rin sa ibang pang mga larangan tulad ng panunungkulan bilang isang pulitiko. Ang mga tao o grupo na hindi tutupad sa panuntulunan na ito ay dapat magmulta o makulong nang di taas sa limang tao upang matigil na ang ganitong sistema. Makokontrol din nito ang sistemang palakasan na madalas kung sino ang kakilala o kamag anak ay syang ginagawang prayoridad kahit na hindi naman sapat ang kwalipikasyon kung usapang pagtatrabaho.
Plano para pagsugpo seksuwal na karahasan:
Ang mga mahuhuli na lalabag o mga makakagawa ng seksuwal na karahasan ay dapat na makulong ng hindi bababa ng sampung tao. Kung ako mismo ang makakita ng taong may ginagawang karahasan sa aking kapwa ay agad akong tatawag ng pulisya o kung sino mang nasa malapit sa pinangyarihan ng insedente ay hihingan ko ng tulong. Akin ring tutulungan sa abot ng aking makakaya ang mga taong walang lakas ng loob upang magsampa ng report sa insidente na nangyari sa kanila. Sa ganitong pamaraan magkakaroon ng lakas ng loob ang isang biktima upang magsalita at mahuli ang gumawa sa kanya ng karahasan. Ang kakulangan sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas ay dapat bigyang pansin upang maiwasan na mapasama ang isang tao dahil lang masama intensyon ng kapwa nya.
Explanation:
#BrainlyFast