Subject:
Edukasyon sa PagpapakataoAuthor:
damariduarteCreated:
1 year agoGabay sa Pagsagot:Pangangasiwa ng Negatibong kilos
1. Anu- ano ang mga kilos ng ating anak na pwedeng gamitan ng pagbaling ng atensyon?
- Ang negatibong kilos tulad ng paglilikot o paggawa ng mga delikadong bagay ng ating mga anak ay kailangang pagtuunan at gamitan ng pagbaling ng atensiyon habang ito ay hindi pa lumalaki o lumalala at upang matiyak nating maging ligtas ang ating mga anak.
2. Paano magagamit ang pagbaling ng atensyon sa sitwasyong ito para akayin ang anak sa positibobg kilos?
-Sa pamamagitan ng pag kausap at pagpansin sa ating mga anak sa tuwing may nagagawa silang negatibong kilos. halimbawa kapag ito ay nakakagawa ng negatibong kilos hubugin itong gumawa ng positibong kilos o kaya naman humanap ng pamalit na positibong kilos doon sa ginagawa nilang negatibong kilos.Tungkulin bilang anak:
1. Sumunod sa utos ng magulang.
2. Hindi maging pasaway sa mga ito.
3. Tulungan ang magulang sa mga gawaing bahay.
4. Huwag ipagbahala ang payo ng magulang.
5. Huwag sumasagot ng nakakasakit sa kanila ngunit pwedeng magpaliwanag.
6. Tugunan ang pangangailangan nila pagtanda.
7. Aalagaan sila pagtanda.
Bilang isang anak, nararapat lamang na gampanan natin ang ating mga tungkulin sa ating mga magulang. Nararapat na suklian natin ng pagmamahal at paggalang ang lahat ng paghihirap at pagsasakripisyo ng ating mga magulang. Para naman sa ating ikabubuti ang palaging kumonsulta sa kanila ay kinakailangan. Ipagmalaki ang pagkakaroon ng magulang dahil hindi tayo lumabas sa mundong ito kung hindi sa pamamagitan nila.
Anu-ano ngaba ang nagawang kabutihan ng mga magulang as anak?
Mga kabutihang nagawa ng mga magulang:
1. Gumising ng maaga para handaan ng pagkain ang anak.
2. Pagturo ng mabuti sa anak. (sila ang pinakaunang guro sa buhay ng anak)
3. Naglalaba.
4. Naglilinis.
5. Naghahatid at sundo sa paaralan.
6. Tumutulong sa paggawa ng assignment.
7. Nagbibigay ng baon at bayad sa paaralan.
8. Sumusuporta sa physical at emotional na pangangailangan ng anak.
9. Nagsisikap sa paghahanap-buhay upang matugunan ang pangangailangan ng pamilya.
10. Pagkanariyan para sa anak sa hirap at ginhawa.
11. Hindi na gaanong bumibili para sa sarili dahil inuuna ang anak.
12. Masaya kung masaya din ang anak.
13. Malungkot at natataranta kung magkakasakit ang anak.
14. Di bale ng di makakain ng maayos basta mauna lang anak.
15. Tagapagtanggol sa anak.++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
(1) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
https://brainly.ph/question/25076890
(2) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
https://brainly.ph/question/402449
(3) Bukod dito, kung nais mo pang makapagbasa at makatuklas ng karagdagang detalye tungkol sa paksang ito, narito ang iba pang link o kawing na maaaring mong mabisita anumang oras:
brainly.ph/question/2123055
#BRAINLYFAST
Author:
chelseamatthews
Rate an answer:
5