Subject:
Edukasyon sa PagpapakataoAuthor:
nadialawrenceCreated:
1 year agoIto ang mga bagay na masasabing hindi kaaya-aya sa paningin ng tao. Maaari itong makasakit o kaya humantong sa hindi pagkakaunawaan. At hindi ito nagdudulot ng kabutihan para sa isa. Kaya dapat itong supilin o kontrolin sa mas lalong madaling panahon.
Negatibong kilos sa anak na pinigilan ng magulag:Hindi pagrespeto at kawalang paggalang sa paraan ng pagsasalitaKalimitan kapag nasa isang sitwasyon na nagkakaroroon ng mainitan na diskusyon o pagsasabi ng isang magulang sa anak, dito lumalabas ang negatibong pagkilos ng isa. Kung saan, hindi namamalayan ng anak na hindi na niya na kokontrol ang emosyon niya at nawawala na isipan o kaya sinasadya na ang pagbabastos sa magulang. At ito ay nagagagawa sa paggamit ng mga salitang masasakit at minsan ay sinasaktan pa ang damdamin kapag sumisigaw ang anak sa magulang niya.
Kawalang respeto ang kapag tayong mga anak ay gumagamit ng masasakit na mga salita o kaya naman pasigaw o nanghahamak na tayo sa aking magulang. Tandaan natin na kailangan silang bigyang galing kahit anong mangyari sapagkat magulang natin sila. At kahit man magkamali sila, bigyan natin ng dignidad sila dahil may awtoridad sila kaysa sa ating mga anak. Maaaring madala ito ng anak sa pagtanda niya at baka makasakit rin ng ibang damdamin at pulaan ng ibang tao dahil sa kawalang respeto.
Isang negatibong kilos ng anak na pinigilan ng magulang:PagsisinungalingIto ang kalimitan na kinagagalit ng mga magulang. Ayaw na ayaw nila ang pagkilos na ito sapagkat hindi nito huhubugin sa tama ang pagkatao ng anak. Isa pa, ito ay tumutungo sa maling landas na maaaring mapahamak ang isa kung hindi agad babaguhin o kokontrolin ito. Kaya hindi tamang magsinungaling pa lalo na kung tayo ay nagkamali talaga at nahuli na tayo sa akto. Umamin agad sa lalong madaling panahon para masupil ang masamang gawa.
Tandaan:Ang mga magulang ay nagsisikap ng husto na gumawa ng paraan pa matulungan ang mga anak na mapigilan ang isang negatibong pagkilos. Walang magulang ang naghahangad na mapahamak ang kanilang mga anak ng dahil lamang sa mga ginagawi nila. Nagsisikap ang mga magulang na maalalayan ang mga anak na hindi na nila gawin ang negatibong kilos na ito dahil para rin ito sa kanilang kapakananan.
Kung naisin mo pa makapagbasa ng karagdagang detalye hinggil sa paksa, ikaw ito bumisita pa dito:
Ang pinagkaiba ng tao sa hayop kung wala itong respeto: brainly.ph/question/2143745
Ang kahulugan ng pagsisinungaling: brainly.ph/question/1499144
Ang imoralidad ng pagsisinungaling: brainly.ph/question/1352180
#BrainlyEveryday
Author:
isaíaslawson
Rate an answer:
10