Subject:
Edukasyon sa PagpapakataoAuthor:
alvaropittsCreated:
1 year agoAnswer:
GABAY SA AKING BUHAYTunay ngang mapanghamon ang buhay mayroon tayo. 'Tila ba sinusubok ang ating katatagan at kung paano natin malalampasan at maging matagumpay sa iisang buhay na ipinagkaloob sa atin. Sunod-sunod na problema sa lahat ng aspeto ng buhay: pamilya, pinansyal na pangangailangan, edukasyon, maging trabaho, at marami pang iba. Ngunit sa hamong isinalang ngayin sa ating buhay, isang aral ang aking natutunan at iyon ay "ayos lamang na malungkot, umiyak, at panandaliang mapahinga; ngunit, 'pagkatapos nito ay tuloy ang laban ng buhay". At ito ang aking magiging panata sa mga darating pang pagsubok sa aking buhay, maging ng aking pamilya. Hindi masama ipakita ang iyong kahinaan sa harap ng iyong mga mahal sa buhay, dahil dito mo makikita ang kanilang tunay na pagmamahal at aruga. Dapat sa lahat ng laban ng buhay, ipakita mo kung paano mo ito pagtatagumpayan kasama ng mga taong naniniwala sa iyo kahit walang-wala ka. Padayon!
https://brainly.ph/question/23471267
#LETSSTUDY
Author:
alanimcpherson
Rate an answer:
6