paano kaya nakatulong kay nina ang pagsasabi ni lola ng mga kilos na kailangan niyang gawin​

question img

Answers 1

Sagot:

Makakatulong ito sa kaniya sa upang matutuhan ang pagiging responsable at malaman kung ano ang mahalagang gawin. Gayundin, nagsisilbing gabay ito sa kaniya para maunawaan niya ang pagkakaroon ng limitasyon sa mga bagay-bagay.  

Paliwanag:
  • Ang mga payo at pagsasabi ng mga nakakatanda sa atin ay malaking bagay upang maturuan tayo sa tama. Sila ang maaaring isa sa makakatulong upang magabayan tayo kung ano ang nararapat gawin na nakakabuti para sa atin. Ang mga sinasabi nila ay maaasahan at mapagkakatiwalaan natin dahil mas makaranasan na sila kumpara sa atin. Kaya isipin natin na para sa atin rin ang ginagawa nilang pagsasabi at huwag maging negtibo sa kanilang ginagawang pagkilos at pagsasalita tungo sa atin.  

  • Pahalagahan natin ang lahat ng sinasabi nila at magpakita ng kasiyahan sa kanila. Malaking bagay ito sa buhay natin dahil mahuhubog tayo nito sa tama na maaaring magamit hanggang sa pagtanda. Ang mga aral na ito ay magsisilbing daan upang maging maayos ang paraan ng pamumuhay at maiwasan na mapahamak. Lahat ng ginagawa ng mga magulang at kapamilya natin ay dahil sa pag-ibig at pagmamalasakit sa kapakanan natin.  

  • Nagsisikap sila ng husto na habang bata palang tayo ay maturuan na agad sa tama. Hindi nila hangad na mapahamak o mapasama tayo kaya sila nagsasabi sa atin. Kaya pasalamatan ang lahat ng ginagawa nilang pagsisikap para sa ating buhay at maging masunurin.

Maaaring bisitahin ang mga link na ito para makapagbasa pa ng  karagdagang impormasyon:

Ilan sa mga halimbawa ng pagsunod sa mga nakakatanda: brainly.ph/question/2485222

Ang bunga ng hindi pagsunod sa utos o bilin na nakakatanda sa atin: brainly.ph/question/2482993

#BrainlyEveryday

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years