Apat na halimbawa ng kahulugan ng TUNGKULIN​

Answers 1

Tungkulin:

Ang tungkulin ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao. Kung maisasagawa mo nang maayos ang mga tungkuling paggawa ng mabuti sa kapuwa, maaaring magbigay ng kaligayahan at kaganapan kung sino at ano ka bilang tao dito sa mundo.

Kahulugan ng Tungkulin: brainly.ph/question/179303

Iba’t – Ibang Tungkulin :

Tungkulin sa Sarili

Tungkulin Bilang Anak

Tungkulin Bilang Kapatid

Tungkulin Bilang Mag – aaral

Tungkulin sa Pamayanan

Tungkulin Bilang Mananampalataya

Tungkulin Bilang Konsyumer ng Midya

Tungkulin sa Kalikasan

Ang tungkulin sa sarili ang pinakauna sa lahat sapagkat magiging mahirap para sa isang tao na gampanan ang kaniyang tungkulin sa iba kung hindi niya nagagampanan ang kaniyang tungkulin sa kaniyang sarili.  

Mga Bagay na Dapat Bigyang Pansin sa Pagtupad ng Tungkulin sa Sarili:

pagharap at wastong pamamahala sa mga pagbabago sa yugto ng pagbibinata o pagdadalaga

pagpapaunlad ng talento at kakayahan at wastong paggamit ng mga ito

makabuluhang paggamit ng mga hilig

Ang tungkulin bilang anak ay ang igalang, mahalin, at pagkatiwalaan ang pamilya.  

Ang tungkulin bilang kapatid ay ang pakitunguhan siya o sila ng mabuti na magtutulak din sa taong ito na maging mabuti sa kaniyang kapwa.

Ang tungkulin bilang mag – aaral ay paggawa ng mga bagay na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pag – aaral.  

Mga Gabay sa Pagtupad ng Tungkulin Bilang Mag – aaral:

mag – aral ng mabuti

magkaroon ng matinding kagustuhan na matuto

pataasin ang mga marka

pagyamanin ang kakayahang mag – isip

matutong lumutas ng mga pansariling problema

makibahagi sa mga gawaing pampaaralan

Ang tungkulin sa pamayanan ay binubuo ng mga sumusunod:

pangangalaga sa isang maayos at malinis na pamahalaan

pakikibahagi sa mga gawaing pampamayanan  

pagkukusa sa paglilingkod sa pamayanan

pagiging mulat sa pangangailangan at suliranin ng ibang kasapi ng pamyanang kinabibilangan

pagiging matapat sa pamayanang kinabibilangan

pakikibahagi sa mga pagpupulong sa pamayanan kapag kinakailangan

pagsali sa mga samahan na pangkabataan upang maging mabuting pinuno at tagasunod

pakikibahagi sa kampanya sa pagtulong sa paaralan, pamahalaan, at samahan sa kanilang mga proyekto

Mga Uri ng Tungkulin: brainly.ph/question/785038

Mga Halimbawa ng Tungkulin ng Tao:

Tungkuling pakitunguhan ang lahat ng tao sa makataong pamamaraan anuman ang kaniyang kasarian, pinagmulan, katayuan sa buhay, edad, lenggwahe, relihiyon, at lahi.

Tungkuling pagsikapan na mapangalagaan ang kaniyang diginidad at pagpapahalaga sa sarili at sa kapwa.

Tungkuling gumawa ng mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng pagkakataon.

Tungkuling maging mapanagutan sa pamilya, lahi, lipunan, bansa, relihiyon, at sa lahat.

Tungkuling igalang ang buhay.

Tungkuling kumilos ng may katapatan, integridad, at makatarungan.

Tungkuling maging masikap sa pakikibaka sa kahirapan, gutom, kamangmangan, at diskriminasyon.

Tungkuling paunlarin ang kakayahan sa pamamagitan ng masikap na paggawa.  

Tungkuling kumilos at magsalita ng may katapatan.

Tungkuling mag ulat ng tapat at wasto.

Tungkuling umiwas sa mga pahayag na may kaugnayan sa pagkiling at diskriminasyon sa pananampalataya.

Tungkuling ipakita ang paggalang sa isa’t isa ng bawat lalaki at babae.

Tungkulin ng mag asawa na alagaan ang bawat isa.

Tungkulin ng mag asawa na magplano ng pamilya.

Mga Halimbawa ng Tungkulin ng Tao: brainly.ph/question/140437

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years