Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Gumuhit ng larawan ng isang tao. Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat sa bahagi ng katawang kumikilos nito o kung saan ito makikita at kulayan ayon sa nakasulat sa bawat tanong. 1. Ano ang dalawang katangiang pinakagusto mo sa iyong sarili? Kulayan ng dilaw ang iyong sagot. 2. Ano ang isang kakayahan o kasanayang taglay mo ang nagpapasaya sa iyo? Kulayan ng bughaw iyong sagot. 3. Paano mo ipinakikita ang mga katangian o kakayahang ito sa iyong mga kilos? Kulayan ng pula ang iyong sagot. 4. Ano ang nagiging epekto ng mga kilos na ito sa iyo at sa ibang tao? Kulayan ang iyong sagot. Sagutin ang mga sumusunod: 1. Madali mo bang nasagutan ang 1 at 2 na tanong? Bakit? na 2. Ano ang madalas bahagi ng iyong katawan nagtataglay o nagsasagawa ng mga katangiang gusto mo sa iyong sarili? 3. Nasisiyahan ka ba sa epekto ng mga kilos mo? Bakit?​

Answers 1

Answer:

Explanation:

1. Ano ang dalawang katangiang pinakagusto mo sa iyong sarili?

  • Ang dalawang katangiang pinakagusto ko sa aking sarili ay ang aking pagiging magiliw at pagiging pala-kaibigan.

(Kulayan ng dilaw ang iyong sagot).

2. Ano ang isang kakayahan o kasanayang taglay mo ang nagpapasaya sa iyo?

  • Ang isang kakayahan o kasanayang taglay ko na nagpapasaya sa akin ay ang pagkanta.

(Kulayan ng bughaw iyong sagot).

3. Paano mo ipinakikita ang mga katangian o kakayahang ito sa iyong mga kilos?

  • Ipinakikita ko ang mga katangian o kakayahang ito sa aking mga kilos sa pamamagitan ng pagsali sa mga patimpalak ng pag-awit at sa pamamagitan din ng pagsali sa mga koro (choir).

(Kulayan ng pula ang iyong sagot).

4. Ano ang nagiging epekto ng mga kilos na ito sa iyo at sa ibang tao?

  • Ang nagiging epekto ng mga kilos na ito sa akin at sa ibang tao ay napapasaya ko sila.

(Kulayan ang iyong sagot).

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Madali mo bang nasagutan ang 1 at 2 na tanong? Bakit?

  • Opo, madali ko itong nasagutan dahil ang mga kasanayang ito ay likas ko nang taglay.

2. Ano ang madalas bahagi ng iyong katawan nagtataglay o nagsasagawa ng mga katangiang gusto mo sa iyong sarili?

  • Ang madalas bahagi ng aking katawan na nagtataglay o nagsasagawa ng mga katangiang gusto ko sa aking sarili ay ang aking bibig dahil dito namumutawi ang magandang tinig na naibabahagi ko sa iba.

3. Nasisiyahan ka ba sa epekto ng mga kilos mo? Bakit?​

  • Opo, nasisiyahan po ako sa epekto ng mga kilos ko dahil nakikita ko na nakakapagbigay ako ng kasiyahan at inspirasyon sa ibang tao.

Ano ang kahulugan ng epekto? Basahn sa link na ito: https://brainly.ph/question/2421651

#BRAINLYFAST

Do you know the answer? Add it here!

Can't find the answer?

Log in with Google

or

Forgot your password?

I don't have an account, and I want to Register

Choose a language and a region
How much to ban the user?
1 hour 1 day 100 years